"Payagan mo na akong tumulong sa paghahanap, Dark. " Pakiusap ni Kassiopia sa lalaki na hindi pa rin niya matinag ang desisyon. Ang tagal na niyang nakakulong sa kastilyo.
"Saan ka maghahanap?" tanong ni Dark at tiningnan ang magazine ng kalibre kwarenta'y singko.
"Kahit saan. I need to do something before it's too late. " Habang tumatagal ay lalo siyang manghihina dahil sa kapangyarihan na nasa loob niya at hindi niya mailabas pagkat nakasilyo. Sabi ni Sajid baka bigla na lang siyang sumabog.
"What if Karim will find you?"
"I can take care of myself, Dark. You made them believe I'm dead, so be it. Kapag nagkita kami, bakit naman ako aamin na ako si Kassiopia?" Bumuntot-buntot siya rito hanggang sa labas ng kwarto.
Huminto ito sa paglalakad at nilingon siya. His eyes glided slowly from her head down to her feet. "Tell me what's your plan." Deklarasyon nito.
Ngumiti siya at tumango. May binigay si Sajid sa kanya. A seed of native hemipteran species from Lantauan Mountain. Kilala sa tawag na bulaklak ng bituin. Itanim raw niya iyon sa isang lugar. Kapag tumubo, ibig sabihin naroon ang alaala ni Dark.
"But before anything else, I'd like to strike a deal." Anang lalaki na nagpatigil sa kanya sa pagkapa sa mga buto ng halaman na nasa kanyang bulsa.
"Ano iyon?"
"You'll marry after we initiate your plan, successful or not. You're going to marry me. Babalik muna tayo ng Lantauan para magpakasal."
Ipinilig niya ang ulo. Seryoso talaga ito sa alok na kasal sa kanya? Kahit hindi pa bumalik ang alaala nito? Inalis niya ang bara sa lalamunan at tumango na lamang. Over-acting na kung magpapakipot pa siya. Wagas na nga kung makahabol siya rito dati.
"Sige, payag ako."
He nodded back, staring her with love and gentleness. "Aren't you thirsty? You haven't take a shot of my blood for the past five days."
Sa sinabi nitong iyon ay biglang nanuyo ang lalamuna niya. Bumaba ang paningin niya sa leeg nito at napapalunok. Hinapit siya ng binata at iniumang sa kanya ang bahaging madalas niyang kagatin. She tiptoed and struck her fangs on him without hesitating. He groaned as if he loves her bite too much and his growl excites her more. They were like having a very special union.
SAMARITANO Village, Talamban, Cebu City.
Mainit ang pagtanggap ng management, staff at ng mga bata sa pagdating ng first lady. Kasama nito ang magkakapatid na Karim, Krad at Maricruz at si Maritoni Salazar para mamigay ng maagang pamasko sa mga bata roon. Ayaw sanang sumama ni Krad pero hindi siya tinigilan ni Maricruz sa kabubuntot mula pa kaninang umaga. Wala kasi si Dark na madalas nitong kulitin kaya sa kanya nabaling ang kakulitan ng bunsong kapatid. Sinamahan ng panganay nila ang pangulo sa isang bilateral meeting sa Japan.
Looking at the whole village, he's grateful that he came. The place has a very relaxing ambiance. Malawak at maaliwalas. There were twelve bungalow houses. Sabi ng director ay doon nakatira ang mga kabataan. Sa bawat bahay ay may isang adult na tinatawag ng mga bata na nanay. Ito ang tumatayong magulang at nag-aalaga sa mga bata.
Maganda ang sistema rito dahil ang mga magkakapatid ay hindi pinaghihiwalay. Sana naisama niya si Anjellena para nakita nito ang lugar. Pero pinagbabawalan ng doctor na bumiyahe ang girlfriend niya dahil sa karamdaman nito.
Lumapit sa lilim ng malaking puno si Krad at mula roon ay naaaliw na pinagmamasdan si Maricruz. She helped the staff assembled the kids in front of the stage. Magkakaroon yata ng munting palabas ang mga bata pagkatapos nilang ipamimigay ang mga regalo.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...