18TH NIGHT

895 62 6
                                    

BUMANGON si Kassiopia at sinilip ang oras sa kanyang cellphone. It's fifteen minutes down to one in the morning. Masama ang pakiramdam niya. Masakit ang kanyang lalamunan at kumikirot ang ulo niya. She felt her temperature is rising. Bumalik yata ang lagnat niya.

Inalis niya ang bisig ni Karim na nakayakap sa kanya. Ingat na ingat para huwag maabala ang mahimbing nitong pagtulog. Bumaba ng kama ang dalaga at kumuha ng malamig na bottled water sa ref. Kumuha siya ng gamot mula sa clutch bag niya. Binuksan ang bote ng tubig at uminom ng gamot.

Nilapitan niya si Maricruz na natutulog sa couch at inayos niya ang kumot nito. Napatingin siya sa isa pang couch na nasa sulok. Naroon si Dark. Lumapit siya sa binata. Hindi na siya pwedeng matulog doon sa kama. Mahina pa ang immune system ni Karim, baka mahawa ito sa lagnat niya.

"Dark," niyugyog niya ang isang braso ng lalaki na nakapatong sa noo nito. She hates to interrupt his sleep.

"Kass," nagising ito at mabilis na bumangon. Hinawakan nito ang kamay niya at pinaupo siya sa couch. "Hey, you're burning hot! Damn!" Sinalat nito ang noo niya.

"Uminom na ako ng gamot. Hindi ako pwede matulog doon sa tabi ni Karim. Baka mahawa siya." Mahinang sabi niya.

Tumango ito. Pinahiga siya sa couch at kinuha nito mula sa bag ang extra blanket at ikinumot sa kanya. Saka naupo ito sa sahig sa ibaba niya.

"We can ask for a separate room if you want and a doctor too to check on you. How's that sound?" He suggested.

Pero umiling siya. Mag-aalala si Karim kung magpapa-admit din siya. Lagnat lang naman iyon. It would go down in a minute.

Hinawakan niya ang kamay ng binata na nasa kanyang noo. Kahit nakapikit siya ramdam niya ang intensidad ng titig nito sa kanya. Hindi tuloy niya maawat ang pagwawala ng kanyang puso. She could almost hear her heart thundering inside her chest. Parang may lindol sa loob ng katawan niya.

"Much better now?" Tanong nito.

"A little."

"Giniginaw ka ba?"

"Kunti."

"Pwede kitang yakapin kung gusto mo."

Napamulat siya ng mga mata. Nasalubong niya ang malagkit nitong titig. Is he bluffing? What on earth is he thinking? One moment he's angry, the other moment he's sweet.

"Wag na lang. Magagalit ang fiance mo." Bawi nito sabay iwas ng tingin.

See? Paasa talaga. Sarap lang kutusan. Muli niyang sinara ang mga mata at sinubukang ipahinga ang isip. Unti-unti siyang tinablan ng antok at muling nakatulog.

ISINANDAL ni Dark ang ulo sa edge ng couch at sinulyapan si Kassiopia. Nakatulog na ito. Sinalat niya ang noo ng dalaga. Unti-unti ng bumababa ang lagnat nito. Natuon ang paningin niya sa mga labi nito.

They're like bright red roses. All it takes was just one kiss and he'll be fine. Napabuga siya ng malalim na hininga bago nagpasyang pagbigyan ang sarili.

He turned towards her and cautiously pressed a tender kiss on her lips. Hindi pa siya nakontento, marahan niyang kinagat ang ibabang labi nito. He stiffened when she unconsciously opened her lips and kissed him in return, biting his lip as he did to hers. It sends powerful voltage to his spine causing his muscles to melt into jelly.

He got up before he couldn't be able to stop wanting her. He grabbed the bottle of mineral water and went outside. He closed the door behind him and leaned his back on it ignoring the men guarding around efficiently.

Napahawak siya mga labi. The warmth of her lips still lingers. It's throbbing softly. Oh, boy, he's getting hard. Not good. Binuksan niya ang bote at uminom ng tubig. Naubos niya ang laman ng bote.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon