12TH NIGHT

868 69 2
                                    

SA loob ng kanyang opisina ay minasahe ni Kassiopia ang kanyang sentido. Kunti na lang at matatapos na ang paghahanda para sa pormal niyang pag-upo bilang bagong president ng Aguirre Energies. Wala namang gaanong problema. May mga minor adjustments lang siyang ipatutupad para sa re-structuring ng kompanya. At iyon ang pinagkakaabalahan niya sa mga nakalipas na araw.

Tumunog ang intercom sa desk niya. "Yes, Arlene?"

"Ma'am, nandito na po ang applicant." Sabi ng secretary niya.

"Papasukin mo." Nag-hire siya ng bodyguard. Advice iyon ng abogado niya. Delikado raw ang kaligtasan niya ngayong siya ang nakatakdang pumalit sa pwesto ng ama. Kahit wala naman siyang nararamdamang banta sa buhay niya, mas mabuti na ang nag-iingat. Her father will do the same if he's here.

Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang lalaking halos dalawang buwan din niyang hindi nakikita at magpahanggang ngayon ay napapabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso at napapatigil ang kanyang paghinga.

Nakabalik na pala ito mula sa misyon nito. Kinontrata ito ng UN Special Forces kasama ang iba pang mga upahang mercenaries para pabagsakin ang isang underground syndicate na nag-operate sa Asia.

"What are you doing here?" Tanong niya rito at sumimangot. Para talaga itong higanteng magnet na hinahatak siya at nanghihina ang mga kalamnan niya sa pagpipigil. Nasaan ba iyong aplikante na sinabi ni Arlene? Bakit ang lalaking ito ang nandito?

"I've heard that you're looking for a bodyguard." Sagot nitong nagtungo sa couch at kampanteng naupo. He scattered his legs apart covering almost half of that area. Ang balasubas lang talaga ng dating. Akala mo nasa bahay.

"I need someone to watch my back and protect me." Kaswal niyang sagot. "And I do think that's none of your damn business."

"Yeah?" Dark gave her an evil grin.

"Yeah, off you go, then." She lazily gestured him to leave.

"You're lucky I am applying for the job, hired myself and start working today. Deduction of hassle."

Ano daw? "Hoy, wag mo nga akong gagaguhin! Umalis ka na. Di kita kailangan dito." Kung noon siguro tiyak naglulundag na siya dahil sa sinabi nito.

"Oh, that's too bad, kasi simula ngayon hindi na ako aalis sa tabi mo." Nawala ang ngiti nito at seryosong tumitig sa kanya.

What is he trying to pull off? Hindi na siya tulad ng dati. Kahit mahal na mahal niya ito pero nangako siya sa sarili na hindi na siya muling magpapaalipin pa sa nararamdaman niya. The last time she gave in to her love for him, it costs her father's life. Never again, she swore.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" Pagod na naupo siya sa swivel chair.

Tumayo ito. Lumapit sa kanya. "Wag kang mag-isip ng kung ano. I'm not doing this for you. I'm doing this for your father. I promised him that I will stay with you and protect you. I intend to keep that promise no matter what. Kung nakokonsensya ka, di bayaran mo ako." He suddenly sounded like a crude villain.

"Really?" Natawa siya ng mapakla. "Interesting." Gagawin pa siya nitong tanga? Sigurado namang kaya gusto nitong manatili sa tabi niya ay para bantayan ang mga kilos niya at binabalak laban kay Anjellena. Hindi siya ang gusto nitong protektahan kundi ang babaeng iyon. Pero sige sasakyan niya ang laro nito. Kabayaran sa huwad na pangakong sinabi nito sa kanyang ama. "Hindi na bodyguard ang kailangan ko. I'm hiring for a slave now. Can you fill in the position?"

Nagtagis ito ng ngipin. "Bodyguard or slave, whatever. Do as you wish, so long that it makes me stay with you."

"Then you're hired. Congratulations and welcome to my life, slave." Nginisihan niya ito. At may folder siyang dinampot mula sa ibabaw ng desk. "I see, maybe you could start this one." Inabot niya rito ang folder.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon