Padaskol na itinulak ni Karim paalis si Krad na nakadagan sa ibabaw nito. Sa daming lugar naman na pwede silang mag-crush landing, doon pa. Sajid summoned them a while ago. Lintek na pantas. Lumalakas pa lalo ang kapangyarihan. Nagmistula silang mga laruang hinatak ng ipo-ipo mula sa kahanay na mundo papunta rito.
"Get off me, damn! You're too heavy!" Angal ng lalaki nang hindi pa rin tuminag si Krad. Ginawa siyang malaking stuff toy ng kumag.
"Sandali lang! Hilo pa ako." Pagmamatigas nito. Nabagok ang ulo nito nang bumagsak kanina.
"Welcome back, or should I even need to say that?" Lumapit si Dark sa dalawa at iniumang sa mga ito si Ascalon na nag-aapoy at handang tupukin ang sinumang biktima hanggang sa maging abo.
Tumayo ang dalawa at nakasunod sa mga ito ang espada niya na kung hindi niya hawak ay malamang tumagos na sa mga ito kanina pa.
"Ibaba mo iyang sandata mo, mandirigma. Baka nakakalimutan mo kung sino ako?" Marahas na angil ni Karim. Hawak nito ang kanang braso at ngayon ay dama na ang epekto ng pagtama niyon kanina sa pasamano.
"Akhram Asur de Morantha, your majesty. Pero wala ka sa kaharian mo. Nandito ka sa aking teritoryo. Huwag mong ipagyabang sa akin kung sino ka. Hindi uubra iyan." Matigas na ungol ni Dark.
"Tigilan niyo na nga iyan. Hindi rin naman kayo mag-aaway." Hinawi silang pareho ni Krad paalis sa daraanan nito. "Hanggang bumanganga lang kayong dalawa. King my butt and Zaargo? Walang nagbago. Magkapatid tayo sa pinanggalingan natin. Hindi niyo kayang saktan ang isa't isa." Bumira ito ng alis pagkatapos manermon at pumasok sa loob ng kwarto.
Karim drew a long breath. "It sulks but he's right. There's no point arguing with you. Nasaan ang reyna?" Hinabol nito ng tanaw si Krad.
He sheathed Ascalon back to its scabbard. "Nagpapahinga. She's pregnant and it's mine. " And boasted.
Nagtagis ng bagang si Karim. "Hindi mo man lang nahintay na matapos ang kasal ninyo? Oh, I remember someone freak telling me this shit back in the parallel dimension. Putang ina ka! Nakinig pa ako sa iyo dati?" Isang mabilis at malakas na right hook ang pinakawalan nito.
Nasangga niya iyon. "Bakit, kamahalan? Sa palagay mo ba ay makapapasok ka? That part of her body is sealed and certainly off the track for someone like you. Ako lang ang pwede roon. Ako lang ang pwedeng pumasok."
"But why do you have to get her pregnant at this time when Lantauan is still recovering? Do you even know the consequences, Zalim?" Mabangis nitong singhal. Hinablot ang kwelyo niya at sinakal siya.
The consequences? Paano niya malalaman kung wala naman sa kanya ang alaala niya nang angkinin niya si Kassiopia? He was following his animal instinct and what Ascalon and this world is whispering to him.
Saka lang niya natuklasan ang panganib ng pagbubuntis nito nang ibalik sa kanya ng bathala ang kanyang mga alaala. Ngunit hindi niya pagsisisihang nabubuhay ngayon sa sinapupunan ng kanyang reyna ang bunga ng pagmamahalan nila, kahit ang kapalit niyon ay ang paghina ng kapangyarihan nito at babalik lamang iyon sa dating lakas kapag naisilang na nito ang bata.
"Dark?" Kassiopia appeared from the door, fully dressed in a gold and white flowing gown made of the finest fairy's silk. Krad is following her, holding her red and gold-coated cape. "Karim," napako ang malamlam nitong mga mata sa hari ng Santikan.
Binitawan siya ni Karim at yumukod ito. "I came for your coronation, your majesty."
"Salamat sa pagpunta, Akhram. Tumayo ka." Lumapit sa kanila ang dalaga at humawak sa balustre. "I will be needing your help to rule the other side of the boundaries." Itinuro nito ang direksiyon ng kaharian ng Santikan.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...