25TH NIGHT

838 59 2
                                    

Nag-aabang kay Dark sa ibaba ng hagdanan si Gabriella kasama ang naka-unipormeng mga empleyado ng palasyo na nakahilera sa bandang likuran nito at nagmistulang mga lady in waiting.

"How did it go?" Usisa ng babae.

"We are good."

"Mabuti. Dito ka na kumain. Nagpahanda na ako ng pagkain mo."

Tumango siya at sumunod rito patungo sa nakagayak na hapag sa di kalayuan lamang at nasa gitna ng hardin.

"Si Maricruz?"

"Pumasok na sa school."

Sinulyapan niya ang mga alalay nito na nakasunod sa kanya. Pagdating sa hapag ay hindi na siya nagpa-imbita pa. Naupo na agad siya sa isa sa mga silyang naroon at pumili ng kakainin sa mga nakahaing pagkain. Healthy diet ang palasyo. Vegetables at seafood's festival yata. Puro gulay at isda sa magkakaibang putahe ang nasa harap niya. Kinuha niya ang sandok at naglagay ng java rice sa kanyang pinggan.

"Ako lang ba ang kakain?" Tanong niya kay Gabriella na inaayos ang mga prutas sa fruit tray.

"Nag-almusal na kami kanina." Pormal nitong sagot.

Tumango na lamang siya at nagsimula ng kumain. Narinig niyang pinapaalis nito ang mga alalay. Mabuti naman. Akala niya may magbabantay sa kanya habang kumakain siya. Tagabilang ng kanyang subo.

"Babalik ka na ba sa pamilya natin?" Biglang nagsalita si Gabriella nang hindi siya tinitingnan. Di tuloy niya mabasa kung anong nasa likod ng tanong nitong iyon.

"Hindi ko pa iyan napag-iisipan." Sagot niya. Pinagmasdan ang balat ng apple na korteng bulaklak na ginawa nitong disenyo sa gilid ng malaking bowl kungsaan nito nilalagay ang hinihiwang mansanas.

"Kailangan ka ng ama mo at ng kompanya." Doon lang ito tumingin sa kanya.

Umiling siya. "Kayang-kaya na nina Karim at Krad na patakbuhin ang kompanya." Naglagay siya ng soup sa maliit na bowl at humigop.

"And what do you intend to do? Maging bodyguard ni Kassiopia Aguirre habang buhay?" Nahimigan agad niya ang antagonismo sa boses nito para kay Kassiopia.

"If so, then what?" Nagsukatan sila. "Anything about me and Kassiopia is none of your concern. And besides, being her bodyguard is a pretty decent job."

"There's nothing decent about having an affair with your brother's fiancée." Akusasyon nitong naniningkit ang mga mata.

He gritted his teeth. "Look who's talking. I don't need to hear a damn lecture coming from a woman who betrayed her own sister and became a mistress. You do wanna talk about decency when you don't have it in yourself." Ibinaba niya ang hawak na kutsara at tumayo. "I'm leaving. Thank you for the meal." Hindi na siya naghintay pa ng sagot at umalis na. Baka kung ano pa ang masabi niya. She is the first lady but beyond that, she is also a good mother to his siblings. He is giving that as a credit to gain his respect. However, that doesn't acquit her from the mistakes she committed in the past.

Habang palabas ng unang gate, kinapa niya ang kanyang cellphone at sinilip. Naka-silent mode iyon kanina nang pumasok siya ng palasyo kaya hindi niya napansin ang mga tawag. May thirty missed calls siya mula kay Alice at lima mula kay Karim.

Isinuot niya ang bluetooth earphones at helmet saka nagmamadaling sumakay sa motorbike na naka-park sa labas lamang ng bukana. Nag-return call siya kay Karim habang binabagtas ang malawak na private road palabas ng compound.

"Dark?"

"Something wrong?" Napatiim siya nang marinig mula sa background ang malakas at marahas na ungol. He speed up the motorbike. "Is that Kassiopia?"

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon