6TH NIGHT

967 59 0
                                    

George Bush Intercontinental Airport, Houston

Matapos ilagay ang kanyang mga bagahe sa conveyor ay sumabay si Kassiopia sa agos ng mga tao papasok sa departure area. Mahaba ang pila ng mga pasahero sa bungad ng entrance kungsaan may dalawang airport police na busy sa inspection.

Kinapa niya sa kanyang sling bag ang card. Pero hindi niya iyon mahanap. Naghalungkat siya. Halos ibuhos na niya sa sahig ang laman ng bag pero wala pa rin. Baka nandoon sa mga bagahe niya. Nandoon nga yata. Pati ang wallet niya.

Paano na yan? Ang tanga talaga niya. Kung minsan iniiwan niya iyong utak niya sa kung saan. Here comes her turn. Itinapat niya sa x-ray machine ang kanyang bag. Clear.

"Miss, may I see your card?" Hiningi ng isang police ang ID niya.

"Ah, sir, I'm very sorry but I don't have my card here. It's in my luggage___"

"Your card, Miss." Hindi man lang siya pinatapos na magpaliwanag.

"She's with me." May lalaking nagsalita sa likuran niya.

She looked back instantly and was greeted with a disarming smile of the very good looking man behind her. But what catches most of her attention is his eyes. It's the same color as Dark's eyes. Gray. Only it's deeper. Deep gray. But equally beautiful as Dark's hazy grays.

"Let her through, officers. People behind me are agitated." Sabi nito sa dominanteng tono. Saka tumingin ulit sa kanya at kumindat. Napakurap na lang siya. Gosh, what is happening to her? Natulala ba siya rito? Naalala niya si Dark rito. Magkakulay kasi ng mata.

"Yes, Captain. I'm sorry." Itinabi ng police ang sarili at senenyasan siyang pumasok.

Captain? Is he a pilot? But he's not wearing the pilot uniform. Baka hindi. Siguro captain ng army o kaya'y superior ng mga airport police.

"Thank you," nginitian niya ng tipid ang lalaki nang matapat ito sa kanya habang naglalakad sila. He's really a head turner. Lahat ng babaeng nakakasalubong nila ay napapalingon rito.

"No problem, Ms. Beautiful. Next time be sure to bring your card with you." Paalala nitong naka-killer smile ulit. This man is undoubtedly a super-hunk charmer. Matangkad ito at ang lakas ng sex appeal. Napatingin siya sa kamay nito nang ilahad nito iyon sa kanya. "Karim Romulo." Pakilala nito.

"Kassiopia Aguirre." Inabot niya rito ang kanyang palad na agad nitong hinawakan at banayad na pinisil.

"Sa Pilipinas ba ang punta mo?" Tanong nito. Binitawan ang kamay niya.

Tumango siya.

"Are you going to board on flight AA8021?"

"Yes, mamayang 7:30." Bakit kaya nito alam na sa flight na iyon siya sasakay?

"Okay, I better go ahead. Hope you enjoy the trip, sweetheart." Sabi nito bago sumampa ng escalator na pababa. "By the way, I'll be your captain for that." Sigaw nito at nag-iwan pa sa kanya ng pilyong kindat.

Napangiti na lamang siya. She settled on her seat inside the plane and tried to catch a nap. Pero hindi siya makatulog. Binuksan niya ang mga mata at tumingin sa labas ng bintana. Ngunit wala siyang makita sa labas kundi kadiliman lang.

Finally, makababalik na siya ng Pilipinas. After six long years of being away. Nauna ng umuwi noong nakaraang buwan ang Papa niya. Naiwan siya para tapusin ang pag-aaral niya. Kahapon ang graduation ceremony nila pero hindi na siya dumalo kasi abala siya sa pag-aasikaso sa kanyang pag-uwi. Nagpaalam na lang siya sa school matapos niyang kompletuhin ang kanyang credentials.

Habang iniisip niya ang Pilipinas, may kakaibang kaba sa kanyang dibdib at pananabik. Makikita na niyang muli si Dark. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang makarinig ng ingay mula sa gawing likuran niya. Napalingon siya at nakita ang tatlong lalaking kasing-edad siguro niya na nagtutulakan papunta sa kanyang direksiyon. At parang mga timang ang mga ito na kumakaway sa kanya. Are they trying to make fun of her?

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon