19TH NIGHT

811 59 7
                                    

KATAHIMIKANG nakabibingi ang namagitan matapos sabihin ni Krad kay Anjellena ang tungkol sa sakit nito. Mayamaya ay binasag iyon ng mahihinang hikbi ng dalaga. Kinabig ito ng lalaki at niyakap.

"I'm scared, Krad." Napatangis ito na parang bata.

"I'm here, I won't leave you." Hinagkan niya ito sa ulo. Naalala niya ang sinabi ni Dark kagabi. Totoo nga kaya iyon? There's just one way to find out. Pero hihintayin niya munang kumalma si Anjellena. Nang mapagod ito sa kaiiyak ay inihiga niya itong muli. "Sleep," he pressed a gentle kiss on her lips.

"Don't leave me." Ungot nito.

"Nandito lang ako. Di ako aalis." Naupo siya sa easy chair. Inabot ang kamay ng dalaga at banayad na pinisil.

"Hindi pa ako inaantok. Can I sleep later?" Namumungay ang mga mata nito dahil sa pagod at pag-iyak. She's adorable though. Kahit hapis at maputla. Walang make-up. Pero napakaganda pa rin nito. "Can I ask you something?" Gumanti ito ng pisil sa kamay niya.

Tumango siya. "Shoot."

"May paraan ba para gumaling ako?"

"Mayroon. You can be saved through a bone marrow transplant. All you have to do is cooperate."

Hindi ito umimik.

"Do you mind if I ask you something too?" Pakli niya.

"No, I don't. Ano ba iyon?"

"Kassiopia," simula niya. "Is she your sister?" Nakita niya kung paano nag-iba ang maamong mukha ni Anjellena. Naging mabagsik at ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit.

"Don't you ever mention that whore's name! Hindi ko siya kapatid. Salot siyang dumating sa pamilya ko. Dahil sa kanya nawala ang mga magulang ko. Nasunog ang bahay namin at bumagsak ang Januarius. Siya lahat ang may kasalanan. Kaya pagsabihan mo iyang kapatid mo kung ayaw niyang matulad sa akin. Iwanan niya ang halimaw na iyon!" Ang lalim yata ng pinaghuhugutan ng galit nito.

"I want to believe you, but right now our only hope is your sister. Kung gusto mong mabuhay__"

"No way!" She snapped angrily. "You're not putting that monster's blood in my body. I'd rather die than have her cursed blood in me. Hindi mo siya kilala. Hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin. Halimaw siya! Umiinom siya ng dugo ng tao."

"Calm down, now. Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mo, okay? Maghahanap tayo ng iba." Napakasakit ng mga salitang iyon para sabihin sa isang kapatid. Pero naintindihan niya si Anjellena. Aburido ito dahil sa kalagayan nito. Wala siya sa lugar para timbangin kung sino ang tama sa dalawa dahil hindi naman niya alam ang tunay na kwento.

"Please, Krad, don't let yourself be fooled by that girl's beauty. She's dangerous. She can devour you anytime." Bumangon ito at mahigpit na kumapit sa braso niya. Trying her hardest to convince him. "She's a cursed child. Mula ng dumating siya wala ng magandang nangyari sa pamilya namin. Lahat na lang kamalasan. Hindi siya dapat nabuhay. Sana namatay na lang siya. I hate her so much." Nangilid ang mga luha nito larawan ng pait at pagkatalo.

Niyakap niya ang dalaga. "Tama na. Naintindihan kita. I'm sorry I brought this up to you. Enough now and relax, honey, come on." He tenderly pushed her down again on the cushion and kissed her. Saglit niya itong iniwan at tinungo niya ang pinto. Ni-lock. Anjellena fell asleep.

Nag-aalalang pinagmasdan niya ang dalagang payapang natutulog. He's going to have a little chat with Kassiopia later. Digging her history is not his thing but for Anjellena's sake he wants to know the truth and do something at least before anger consumed his girlfriend.

NAKARATING sa media ang tungkol sa paggising ni Karim. Nang mga sumunod na araw ay dinagsa ng mga reporters ang hospital para masilip at makamusta ang kalagayan ng lalaki.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon