21ST NIGHT

821 61 3
                                    

PAGLABAS ng tatlo mula sa drawing room ay sinalubong sila ng nag-aalalang mukha nina Karim at Kassiopia na kanina pa naghihintay sa labas ng pinto.

"What's wrong? May nangyari ba sa palasyo? Sinabi sa akin ng guards na dumating kayo." Usisa ni Karim kay Krad. Lumapit si Maricruz sa kapatid at yumakap. Habang si Kassiopia ay palipat-lipat ang tingin kina Dark at Krad.

"We're fine, kuya. The palace too. We just came to check on you. We're worried." Sagot ni Maricruz at ngumiti.

"There's an event at the nearby town. Mama's there. Pupuntahan namin siya. Dumaan lang muna kami rito para makita ka." Pahayag naman ni Krad.

Tumango si Karim. Relieved.

"Are you done with your work?" Tanong ni Dark kay Kassiopia na nakamata lamang sa magkakapatid.

"Almost." She answered plainly and smiled to Maricruz. Pero hindi ito pinansin ng dalagita. Umigting ang panga ni Dark at pilit hinuli ang paningin ng bunsong kapatid. Nang magtama ang mga mata nila ay napalunok ito at muling bumaling kay Kassiopia, ngumiti kahit napipilitan.

Magkakasama silang bumaba ng hagdanan. Si Karim ay naka-akbay kay Kassiopia. Si Maricruz naman ay nasa kanyang tabi at hinahawakan ang hem ng sweatshirt niya. Hinayaan na lang niya, wala namang ibang nakakakita. Si Krad ay nakabuntot sa kanila at may sinasagot na tawag sa cellphone.

"I really don't like her." Pabulong na sabi ni Maricruz. "She stole you from us." Ulit nito.

"No, she didn't. And you don't have to like her, you have to accept her. She will be your sister-in-law soon. Try getting along with her, she's a nice girl." Pabulong din niyang sagot.

Ngumuso ito. "Mama doesn't like her too. She's vain. She likes you but then she will marry Karim."

He chuckled. "So you want her to marry me instead?"

"No! Of course not..."

"Then let Karim marry her."

Natahimik ito. Bumitaw ito sa kanya nang tuluyan silang makababa sa sala. Nilingon niya si Krad na nagtungo sa isang sulok, may kausap pa rin sa cellphone. It must be Anjellena. He can read it on Krad's expression. Nalipat ang tingin niya kina Karim at Kassiopia na magkasamang nagtungo sa study room.

"We have to go, naghihintay na si Mama. Pakisabi na lang kina Karim at Kassiopia." Paalam ni Krad matapos nito ibaba ang cellphone.

Tumango siya at hinatid sa labas ng bahay ang dalawa. "Careful out there."

"Let's go, Mari."

"Um, yeah. Kuya, visit us in the palace, please. We'll wait for you." Maricruz hugged him before getting inside the car.

Hinatid niya ng tingin ang sasakyan hanggang sa makalabas ng gate.

Ibinagsak ni Kassiopia ang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair. Sa wakas natapos din niya ang pagre-review ng mga proposals. Wala na siyang gagawin mamayang hapon. Mabibigyan na niya ng oras si Karim. Gusto nitong puntahan ang simbahan kung saan sila ikakasal. Maayos na naman lahat ng preparations nila. Hinihintay na lang nila ang araw ng kasal. Tumingin siya sa may pinto nang bumukas iyon at pumasok ang nobyo na nakangiti.

"Lunchtime, babe." Anunsyo nito sabay halik sa noo niya.

"Coming," natatawang tumayo siya at inayos ang mga papeles sa ibabaw ng desk.

"Are you done?" Napaangat ang tingin niya kay Dark na nagsasalita mula sa may pintuan. Mula sa likod nito ay dumungaw si Arlene.

"I'm done."

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon