37TH NIGHT

742 50 5
                                    

Hindi inalis ni Dark ang mga mata sa bituing lumitaw. He knew that wasn't his star. Hindi rin iyon kay Karim. It is Krad's birth star. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. The heaven should at least give him the chance to prove his heart.

Siya ang Zaargo. Siya ang itinakda. Siya ang nakatadhana para sa reyna. Should someone took that away from him, he'll fight in equal footing for the love of his queen.

"Kaninong bituin iyan, Sajid?" Galit na tanong ni Kassiopia.

"Iyan ang bituin ni Krad, kamahalan." Sagot ng pantas.

Lahat ng mata ay natuon kay Krad. The star reflected in his eyes, an evidence that he owned it. Ngunit halatang ito man ay naguguluhan sa nangyayari.

"Bakit ang bituin niya?"

"Ang langit lamang ang nakakaalam, kamahalan."

Umingay ang buong paligid. Nagtataka. Nagtatanong.

"Tahimik!" Malakas na sigaw ni Dark.

"Dark," kumapit sa bisig niya si Kassiopia na nasa tono ang pangamba.

"Mahaba pa ang gabi. Huwag mong alisin ang paningin mo para makita mo ang paglitaw ng bituin ko." Pahayag niyang hindi natinag at nakatuon lamang sa itaas ang tanaw.

He'll stay up all night if needed and the nights to come until the heaven heed his plea. He can marry Kassiopia in the parallel world and that doesn't need approval from anyone. Pero saan man siya makarating, mananatili ang katotohanan na nagmula siya sa mundong ito. Isa siyang Lantau at dito ang kalooban ng langit ay batas na kailangang sundin ng Zaargo.

Immaculate silence took over. Synchronizing the freezing wind and the night chills. Crickets started humming their lullaby along with the whistle of the subtle breeze and their breaths. Wala pa ring senyales mula sa kalangitan. Sa halip ay lalong nagliwanag ang bituin ni Krad.

"Kuya, may lugar roon sa talon ng buhay para sa iyo." Lumitaw si Alura sa harapan nilang lahat kasama ang mga munting diwata.

Binawi niya ang tingin at umiling ng marahan. "Hindi ako aalis."

"Pero hindi ka maaring manatili rito kung hindi ikaw ang pinili ng langit." Giit ng bathala.

"Hindi siya aalis. Dito lang si Dark, sa tabi ko." Pahayag ni Kassiopia sa mabigat na tono.

"Kamahalan-"

"Alura, ako ang pipiliin ng langit. Maghintay lang tayo." Agap niya.

"Pumili na ang langit at hindi ikaw iyon." Patuloy ni Alura.

"Tama na!" Sigaw ni Kassiopia. "Hindi aalis ng palasyo ang Zaargo. Kapag sinabi niyang siya ang pipiliin ng langit maniniwala ako."

"Kamahalan," sumingit si Sajid. "Alam natin kung paano nasusulat sa kasaysayan ang kapalaran ng reyna ng Lantauan. Hindi po binibigyan ng higit na timbang ang inyong nararamdaman kumpara sa saloobin ng langit."

"Anong ibig mong sabihin? Gaya ng sinabi ni Zalim, mahaba pa ang gabi. Maghintay tayo. Pinag-uutos ko iyon!" Matigas na pahayag ni Kassiopia.

Muling dumaan ang katahimikan at wala nang nagtangka pa na tumutol. Hinawakan niya ang kamay ni Kassiopia at mahigpit na pinisil. Inaamin niyang nagkasala siya. Ngunit hindi sapat iyon para isuko niya ang dalaga. Dito at sa kahanay na mundo siya lagi ang naghahabol ng pagkakataon. Siya lagi ang nasa ikatlong katauhan. Hindi ba't parusa na iyon?

Mabagal ang paglipas ng oras. Lahat ay nakaantabay pa rin sa himalang hinihintay niya. Hanggang sa napansin niyang tila gumalaw ang buwan. Hindi. It seemed an eclipse is about to happen. Eklipse ba iyon? Nawawala sa paningin nilang lahat ang buwan at mula sa likuran nito ay sumikat ang isang bituing nagsasabog ng asul na liwanag.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon