GALING ng bar ay umuwi muna ng condo si Dark. Its forty-five minutes down to eleven. Kung ngayon siya pupunta ng palasyo siguradong haharangin lamang siya ng mga sundalong bantay. At masasalang siya sa matinding interogasyon.
Hinagis niya sa kama ang envelope at ang cellphone. Kumuha siya ng malinis na towel sa cabinet at pumasok ng banyo. He took a quick shower to freshen up. Habang nasa harap ng wall mirror sa loob ng banyo, natuon ang paningin niya sa marka ng mga pangil na nasa kanyang leeg. Hindi iyon nabubura at may mga oras na tila tumitibok. Hinihigop siya sa kawalan na mas mainit pa sa gitna ng kumukulong tubig.
Marahan niyang hinaplos iyon. Nang biglang nagbago ang refleksiyon niya sa salamin. Sa kanya ang mukha pero alam niyang hindi sa kanya ang katauhan. Madilim itong nakatitig sa kanya. Sa dalawang braso nito ay kumikinang ang gintong mga pulseras.
"Anong ginagawa mo hanggang sa mga oras na ito, Zalim? Kailan ka gigising? Kapag huli na ang lahat? Lampa ka!" Matigas nitong sabi.
Napaurong siya. "Who are you, bastarad?"
"Ako ay ikaw at ikaw ay ako. Gumising ka na. Nasa bisig ng kaaway ang iyong reyna."
Kanyang reyna? Anong pinagsasabi ng kumag na ito. Magsasalita pa sana siya ngunit binalot ng itim ang buong salamin at nang muling magliwanag ay wala na ang nilalang na kamukha niya. Natawa na lamang siya. Epekto ng alak. Pero hindi naman siya lasing. Malamang pinaglalaruan na naman siya ng kanyang utak.
Dinampot niya ang cellphone na nasa kama at ang envelope at lumabas ng sala habang tinutuyo ng towel ang basang buhok. Naupo siya sa sofa at nagtype ng text message para kay Kassiopia.
Him : still up?
Matapos i-sent ang mensahe ay ibinaba niya sa mesita ang cellphone at binalingan ang mga dokumentong laman ng envelope. Tumunog ang cellphone niya. Agad niyang dinampot iyon at sinilip. Si Kassiopia.
Her : where are you?
He tapped her profile and hit the call. She picked it up instantly.
"Dark?"
"Nandito ako sa condo." Isinampay niya ang towel sa sandalan ng sofa at sinuklay ng mga daliri ang buhok.
"May kasama ka?" pumiyok ang boses nito sa tanong na iyon.
Napangiti siya. Inisip siguro ng dalaga na nandoon pa rin si Anjellena. Inilagay niya ang phone sa loud speaker para mas marinig ng malinaw ang boses nito.
"Wala, mag-isa lang ako."
"Okay."
"Can't sleep?"
"Yeah."
"And Karim?"
"In his room, asleep."
Tumayo siya bitbit ang phone at isa sa mga sketch at tinungo ang floor to ceiling window. Binuksan niya ang kurtina.
"Where are you?"
"Outside, in the pool, looking at the stars. Kumusta ang lakad mo?"
"Okay lang naman."
"How about Anjellena? How is she?"
"Krad picked her up and brought her back to the hospital."
"Okay..."
"Pumasok ka na. It's getting late and the wind is freezing." He instructed while staring at his blurred reflection in the glass. Tumagos ang kanyang paningin patungo sa madilim na kawalan sa labas.
"Dark?"
"Hmn?"
"See you when you get back. Goodnight. Bye."
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...