4TH NIGHT

1K 61 1
                                    

Pupungas-pungas na bumangon si Kassiopia at dinakma ang maingay na alarm clock sa ibabaw ng sidetable. Sinipat niya ang oras. It's time to prepare for school. Maaga siya ngayon kasi siya ang nakatuka para sa homeroom attendance at journal nila.

Inayos muna niya ang kanyang higaan. At parang timang na napapangiti. Nanaginip siya kay Dark kagabi. Dumating raw ito at nahiga sa tabi niya. Niyakap pa nga raw niya. At hinaplos-haplos raw niya ang dibdib. Natawa siya sa sarili. Ang landi niya. Pero panaginip lang naman iyon.

Matapos niyang ayusin ang kanyang kama ay nagtungo na siya sa banyo para maligo. Hahawakan na lang niya ang doorknob nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal ang lalaking laman ng panaginip niya kagabi. Nagkagulatan sila.

"Hey, birthday girl!" He greeted her along with his wide and dashing smile.

Para siyang kandelang itinulos sa kinatatayuan. Nakanganga at natulala. Nananaginip pa rin ba siya? Bahagi pa rin ba ito ng panaginip niya? Tama. She's still dreaming. Dark couldn't possibly be here. Malala na talaga siya. Dapat na siyang gumising.

"Kassiopia, are you okay?" Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at niyugyog siya.

Napahawak siya sa kanyang mukha. Paulit-ulit na kumukurap-kurap. Kinagat niya ang dila. Masakit. Napangiwi siya. Kung ganoon hindi siya nananaginip. Totoo ito. Nandito si Dark. Pero hindi pa rin ma-proseso ng utak niya kung paano nangyaring nakatayo ngayon sa harap niya ang lalaking ito.

"Say something, damn it!" He cupped her face.

Napasinghap siya. Napatitig sa magaganda at abuhing ng mga mata ng lalaki na matamang nakatitig sa kanya. Binuka niya ang bibig pero walang salitang lumalabas. God! Bakit ayaw gumalaw ng dila niya. Hindi siya makapagsalita. Napipi ba siya ulit?

Kinabig siya nito at niyakap. "Akala ko ba nakakapagsalita ka na? Carmen told me."

Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Luha ng kaligayahan. Dark came. He came to see her in her 18th birthday. This is the best gift ever.

"D-Dark," yumakap siya ng mahigpit rito.

"Did you just say my name?" Bahagya siyang inilayo nito.

Pinahid niya ang mga luha at marahang tumango. "Dark," ulit niya. Ang sarap banggitin ng pangalan nito.

Natawa ito. "So, it's true." Niyakap siya nito ulit. Parang malulunod na ang puso niya sa sobrang kaligayahan. Narinig siguro nito ang wish niya kagabi kaya ito pumunta rito.

Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Ang bango nito. At ang init ng katawan nito. Ang sarap sa pakiramdam. Pero bigla siyang natilihan nang may maalala. Ang panaginip niya kagabi, panaginip lang ba talaga iyon? Kumalas siya sa lalaki at bahagyang lumayo. Tutop ang bibig. Biglang uminit ng husto ang kanyang mukha. Paano kung totoo iyon at hindi panaginip?

"Kagabi pa ako dumating. Kaya lang tulog ka na. Tumabi na lang ako sa iyo at natulog. Napagod din kasi ako sa biyahe." Kung ganoon hindi panaginip iyong kagabi. Totoo iyon. Pati iyong kalandiang ginagawa niya. Sana kaya niyang maging invisible kahit ilang segundo lang. Nakakahiya.

Tinungo nito ang kama. He lazily dropped his body onto the bed like a huge log. "May pasok ka sa school?"

Oo nga pala! Ano bang tinutunganga niya? Maliligo na siya. Late na siya. Pero papasok pa ba siya? Gusto niyang makasama si Dark kahit ngayong araw lang. Siguradong babalik din ito agad ng Pilipinas. Gusto niyang masulit ang araw habang nandito ito.

"Wag ka ng pumasok. Gagala tayo ngayon." Sabi nito.

Ngumiti siya at tumango. This is the happiest moment of her life. Lumapit siya sa kama at naupo roon. Pinagmasdan niya si Dark na nakapikit habang nakaunan sa magkasalikop na mga kamay. Lalo pa itong gumuwapo. Bumukas ang isang mata nito at huling-huli siya roon. Mabilis niyang iniwas ang paningin. Siguradong pulang-pula ang pisngi niya. Then she heard him chuckled.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon