KASAMA ang sundalong isa sa mga bantay sa bukana ng first gate, hinatid si Dark ng palace car patungo sa loob ng palasyo. Inagahan niya ang pagpunta roon para matiyak na aabutan niya ang pangulo. Pababa pa lamang siya ng sasakyan ay natanaw na niya si Maricruz na tumatakbo sa maluwang na pasilyo na maghahatid nito sa kanyang kinaroroonan. Napangiti na lamang siya. Binalingan niya ang sundalong kasama at nagpasalamat. Tumango lamang ito at umalis.
"Kuya!" Masayang tili ni Maricruz at pabalyang yumakap sa kanya. "Papa told me you're coming."
So, his old man is expecting him. Must be Maritoni's doing. Kaya pala mabilis siyang pinapasok ng mga bantay doon sa bukana. Hindi na siya tinanong at hiningan lang ng identification card. What a convenience.
Akay-akay siya ng dalagita paakyat sa mega grand staircase na balot sa pulang makakapal na carpet. Panay ang kwento nito kung anong mga nasa loob at labas ng palasyo habang tahimik naman siyang nakikinig. Minsan na din siyang nakapasok doon. Hindi pa ang kanilang ama ang presidente. Isinama siya noon ni Don Matthew. Pero hanggang doon lang sila sa bulwagan. It's not as if he's not interested to know what's there in the innermost part of the palace. Pero di naman nila tahanan ang lugar na iyon kung tutuusin. Tirahan iyon ng pangulo ng bansa. Lahat ay may pagkakataong tumira doon kapag pinalad na maging presidente.
"Kuya, are you listening to me?" Pukaw ni Maricruz sa kanya.
"Ah, yeah, of course." Tiningnan niya ito. Nakasimangot ito at nagtatagpo ang mga kilay.
"Hmp! You're not paying attention." Akusa nito at humalukipkip. "You're thinking about that girl again." Malisyosa nitong dagdag.
"Girl?" Umangat ang kilay niya. "Who's girl?"
"Kassiopia. You like her." Straight-forward nitong sagot.
Humagalpak siya ng tawa at ginulo ang buhok nito. "Silly," hinapit niya ito at inakbayan.
"You are! Don't silly me, I know you like her. I saw you in the hospital kissing her lips while she's asleep." Kastigo nito sa kanya habang pinahahaba ang nguso.
Nahinto siya at napabuga ng hangin. Kapag minamalas nga naman. He was caught stealing a kiss from Kassiopia in the hospital and last night, she practically heard his confession of love. Oh, great! Just great.
"Hmn, may sinabihan ka ba sa nakita mo?" Tanong niya sa kapatid.
"Wala," iling nito.
"Good. Keep it as our secret then, hmn?"
"Depende. Karim will be mad for sure if he finds out." Lumayo sa kanya ang dalagita at nakipagsukatan. The way her eyes sparkle, he could tell she's thinking about doing something underhanded.
Napailing na lamang siya. She's one heck of a Romulo after all. That smile playing in the corner of her pretty mouth gave her away.
"Right, what do you want?" He gave in after a few seconds of considering.
Lumapad ang ngiti nito. "Come back to us. Back to me. You are the best big brother in the world and I want you back." Binola pa siya.
Ngumisi siya at umuklo para magpantay ang mukha nila. "NO." With matching kindat.
Napawi ang ngiti nito at tumigas ang mukha. "Then I will tell everyone__"
"Subukan mo at di mo na ako makikita pa kahit na kailan. Gusto mo ba iyon, hmn?" Pinisil niya ang ilong nito.
"No! That's rude! Why would you do that?" Unti-unting lumambot ang mukha nito na parang maiiyak na. "Please stay, don't go anywhere."
Kinabig niya ito at muling inakbayan. "Don't tell anyone about what you saw in the hospital, okay?"
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...