Pilit na itinutulak ni Kassiopia ang mabigat na katawan ni Dark sa ibabaw niya. Tulog ba talaga ito o nagtutulug-tulugan lang? Kanina pa niya ito ginigising at namimihasa na itong katabi niya lagi sa pagtulog. May sarili naman itong kwarto rito sa villa.
"Dark, ano ba? Bangon na, ang bigat mo! Hindi ako makahinga." Angal niyang kinagat na ang balikat nito.
Umungol ito. Nagkukunwaring nagising pero tumatawa naman ng mahina. "Hindi ka makahinga pero nagtataray ka. Umagang-umaga."
"Ikaw kasi," pinalo niya ito. "Kailangan mo ba talaga akong daganan tuwing natutulog tayo?"
"Nagpa-practice lang ako para sa unang gabi ng kasal natin." Hinagkan siya nito sa tuktok ng ilong. Umalis ito sa pagkaakadagan sa kanya pero hindi bumangon at sa halip ay niyakap siya ng mahigpit. "Mamaya na tayo bumangon." Pangguguyo nito.
"Maliligo na ako." Pinagtulakan niya ito para makawala siya pero walang kwenta. Nauubos lang ang lakas niya sa kanyang ginagawa.
"I love you," anas ni Dark at sinakop ang mga labi niya.
Tuluyan na siyang nalusaw sa mga bisig nito habang pilit na tinatapatan ang sidhi ng mga halik ng binata.
They always had this intimate moment ever since they're back from the parallel world and sometimes Dark can't almost hold it off anymore.
Lagi niyang naiisip kung ano kaya ang mangyayari kapag ibinigay niya rito ang katawan niya. Nasasabik siya na natatakot. Kabilin-bilinan sa kanya mula pagkabata na bawal siyang makipagsiping sa kahit sinong lalaki habang silyado pa ang kanyang kapangyarihan. Ang habilin na iyon ang pumipigil sa kanya tuwing nawawalan na ng kontrol si Dark sa sarili.
"I can't wait to go back to Lantauan for our wedding." Bulong nitong hinahabol ang hininga pagkatapos ng mapusok na halik.
Papaano niya sasabihin na pwede silang magpakasal pero hindi pa sila maaring magtalik? Na kailangan muna nitong maghintay hanggang sa maalis ng lubusan ang silyo? Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito at dahan-dahang ibinaon doon ang kanyang pangil matapos pumasok sa ilong niya ang mabangong amoy ng dugo ng dugo ng binata.
He groaned thickly and tightened his embrace. They need to get his memory back and soon not just for the benefit of the kingdom but for him to do what he has to do.
Pagkatapos ng agahan ay tumulak na si Kassiopia paalis. Babalik siya ng Cebu at pupunta sa iba na namang bahay-ampunan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero doon siya itinuturo ng kanyang mga kutob.
Hinatid siya ni Dark sa airport at gaya ng nagdaang mga tagpo na kagaya ngayon, hindi na naman maipinta ang mukha ng lalaki. Gusto nitong sumama pero tumanggi siya. Mas makagagalaw siya kung nag-iisa at hindi mahihirapang humanap ng alibi sakaling magkrus muli ang landas nila ni Karim.
"Mag-iingat ka. Call me when you get there." He reminded before she boarded on her flight. "Call me, Kass!" Pahabol pa nitong sigaw.
Tumango siya at kinawayan ito.
---------
Galing ng airport ay tumuloy si Dark sa bahay ni Karim. Kahapon pa tawag nang tawag sa cellphone niya ang lalaki at gustong makipag-usap. Maliban sa mga bantay na pakalat-kalat sa bakuran, tahimik ang buong bahay nang dumating siya.
Tinugon niya ng marahang tango ang pagbati ng mga katulong na sumalubong sa kanya at dumeretso na agad sa kanyang kwarto sa itaas. Kahuhubad lamang niya sa suot na coat nang pumasok si Karim. Sinundan ng tingin niya ang mga litratong hinagis nito at lumapag sa sahig. Those are Kassiopia's pictures taken at Samaritano Village in Cebu when she went there to investigate about his lost memory.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...