7TH NIGHT

892 56 3
                                    

MAHINANG tapik sa pisngi ang nagpagising kay Kassiopia. Napakislot ang dalaga habang nag-aadjust ang mga mata sa liwanag na nagmumula sa ceiling. She felt light-headed. Where is she?

"Up and shine, sleepy-head. We're here." May nagsalita sa gawing tagiliran niya. Napatingin siya roon. Si Karim pala.

Napabangon siyang di kusa. Narito nga pala siya sa captain's cabin. Dumating na ba sila? Nasa Pilipinas na ba siya ulit?

"Come, sabay na tayong bumaba." He offered her a hand. Pero hindi siya humawak roon. Bumaba siya sa kama at kinuha ang sling bag niya sa couch.

"I asked Krad to secure your luggage. He's in the VIP lounge, waiting for us. Come on, puntahan natin siya."

Tumango siya. Sumaglit muna siya ng banyo at nag-ayos ng sarili bago sumama sa lalaki palabas ng cabin. Hindi na siya nakaangal nang hawakan siya nito sa siko para alalayan habang bumababa sila ng eroplano.

Tumuloy sila sa VIP lounge kungsaan naghihintay si Krad habang binabantayan ang mga bagahe niya. Hindi pa rin nagbago ang expression ng mukha nito. Nakasimangot pa rin.

"May susundo ba sa iyo?" Tanong ni Karim. Tinulungan siya ng magkapatid na mailabas sa waiting area ang mga bagahe niya. Pinagtitinginan na naman sila ng mga on-lookers.

"Mayroon." Tipid niyang sagot at ngumiti. "Salamat sa tulong." Gusto na niyang itaboy ang dalawa. Naiilang siya sa atensiyon na sa kanila na naman naka-sentro.

She's wondering, is it very uncoming for someone like her to be escorted by these two gorgeous men? Hindi naman siguro. Maliban na lang kung kilala ng mga taong naroroon kung sino talaga ang magkapatid at siya lang ang hindi nakakaalam. Sino nga ba ang mga ito?

May dalawang airport police na nagtangkang lumapit sa kanila. But Karim stopped them by gesturing his one hand.

"Kassiopia, anak!!!" May sumigaw mula sa kumpol ng mga taong naghihintay sa labas ng waiting area.

Hinanap niya ang nagmamay-ari ng boses at nakita si Carmen na kumakaway. Kasama nito ang asawang si Juan.

"Nay!" Tuwang-tuwang kinakawayan niya pabalik ang dalawa. "Nandiyan na ang sundo ko. Mauna na ako." Paalam niya kina Karim at Krad.

Tumango si Karim. "I'll see you around. Take care." Bahagya nitong pinisil ang kamay niya.

While Krad just gave her a slight nod. Sinalubong siya nina Carmen at Juan at tinulungan sa kanyang mga bagahe.

"Anak, kilala mo ba iyong dalawang lalaking kasama mo?" Tanong ni Carmen.

"Opo, sina Karim at Krad? Magkapatid po sila."

"Paano mo sila nakilala?" Salo ni Juan.

"Si Karim nakilala ko roon sa airport sa Houston. Tinulungan niya ako. Si Krad, doon po sa airplane. Apprentice po siya."

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Bakit po, Nay, Tay! May problema po ba?" Nagtataka siya sa inakto ng mga ito.

"Hindi mo alam kung sino sila?" Si Carmen. "Sila ang may-ari ng Asiana Air. Isa sa pinakamalaking airlines sa buong mundo. At ang magkapatid na iyon ang mga anak ng pangulo ng bansa."

Natutop niya ang bibig at wala sa sariling napalingon sa gawing kinaroroonan ng magkapatid. Wala na ang mga ito roon. Those two are the president's sons? Wala man lang siyang ideya.

"Nanliligaw ba sa iyo ang dalawang iyon?" Tanong ni Juan habang lulan na sila ng sasakyan pauwi ng villa.

"Hindi po, Tay. Kakakilala lang namin manliligaw agad?"

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon