Chapter 27

870 57 5
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Kassiopia na dumating sa mundong iyon si Dark. Ang pinakamalakas na mandirigma sa kasaysayan ng Lantauan Mountain. Ang pinakamamahal niyang si Zalim.

Pero masayang-masaya siya dahil sa mundong iyon ay pag-aari niya ang binata. Kanya lang. Walang Anjellena. Walang ibang babae na kaagaw niya sa atensiyon at pagmamahal nito. Siya lang ang nasa puso nito. Nag-iisa. Bukod-tangi.

Buhat sa malaking salamin kungsaan nakikita niya ang refleksiyon nilang dalawa ay multi niyang nasilayan ang dating tindig ng makisig na mandirigma.
Ang naghuhumiyaw na kagandahan sa bawat sukat ng matigas nitong katawan na tila gawa sa ginto.

"Kass," niyakap siya nito nang mahigpit  habang sinisipsip niya ang sariwang dugo na tumatawid sa mga litid ng binata patungo sa lagusan na nilikha ng kanyang mga pangil na nakabaon sa leeg nito.

Dama niya ang lubusang pagbalik ng kanyang sigla at lakas. Nang maibsan na ang sobrang pagkauhaw ay bumitaw siya sa lalaki pero hindi ayaw siya nitong pakawalan.

"Finish already?" tanong nitong tonong umaangal. "I think I need more of those bites."

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tumitig siya rito at saglit na natulala sa pulang linyang nag-aapoy palibot sa bola ng mga mata nito. Napakaganda. Para siyang hinihigop roon at ramdam niya ang init.

"I don't know. But your bite today is different. I can feel the extreme pleasure like you coupled with my blood inside you and it excites me more than having sex with someone." Pahayag nitong pumasada ang dila sa labi. Lalong tumingkad ang kulay dugong linya na nasa mga mata nito at patuloy na nagliliyab.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito.

"Nandito ka na kaya mabuti na ang pakiramdam ko." Ngumiti siya ng matamis.

Tumango ito at tinitigan siya ng matiim na tila ba may nais sabihin ngunit gusto nitong hulaan niya. Ganitong-ganito ang mga simpleng galaw ni Zalim. Ang lalaking nagpaibig sa kanya. Noon hanggang sa kasalukuyan.

"Bakit?" tanong niya. "Huwag mo akong paghulain kung anong tumatakbo riyan sa utak mo."

"Naisip ko lang na lalong gumaganda ang buwan kapag sumisikat mula sa mga mata mo." Hinaplos nito ang markang iniwan ng kanyang mga pangil sa leeg nito.

"Zalim..." mahina niyang sambit.

"Should I get to be used here by that name of your immortal warrior?" biro nito.

"I'd prefer to call you that way rather than any names." Malamig niyang tugon at inayos ang sarili.

"But why? I don't have his memories yet." Natawa ito ng pagak. "Mas komportable ako sa pangalang Dark."

"Ayaw ko sa pangalang iyon." Bumaba siya ng kama habang nakaalalay ito sa kanya at kulang na lang ay kargahin siya. "Kung si Zalim ay walang ginawa kundi mahalin ako, si Dark ay puro sakit ang ibinigay sa akin."

Nakita niya ang paglatay ng kirot sa sulok ng mga mata nito at ang unti-unti paghupa ng pulang apoy doon.

"Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, hinding-hindi ko pipiliing saktan ka, Kassiopia." Nasa tinig nito ang labis na pagsisisi.

"That's too bad that you can't turn the time back, Zalim. But having no memory of me is not an excuse to hurt me. Minahal mo nga ako ng sobra pero sinaktan mo rin ako ng higit pa." Naglakad siya patungo sa balkonahe at agad binati ng halimuyak ng mga damo at halaman na tinatangay ng mabining simoy ng hangin.

"Anong kailangan kong gawin para mapatawad mo ako?" tanong nito, tila nakahandang ibigay sa kanya ang kahit na anong hihilingin niya sa mga sandaling iyon.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon