1ST NIGHT

1.4K 72 1
                                    


Tanaw ni Dark ang dalawang sasakyang parating na ni-report sa kanya. Riding those cars are the bunch of thugs and members of the notorious underground gang that he is going to hunt down.

Sumakay ang lalaki sa kanyang motorbike at umarangkada pababa ng burol. He stops few miles away after a blind curve in the main road and waited. He could hear the cars' squealling. He counts sixty seconds to engage the targets.

Pagpasok pa lamang ng naunang van sa blind corner ay pinauulanan na niya iyon ng bala. Sabog ang mga gulong, basag ang windshield at bumaliktad iyon. Tumama sa kasunod na SUV na nawalan din ng kontrol at humarurot papuntang guardrail. Both cars collided at the guardrail and exploded.

Ibinalik niya sa holster ang mga baril at tumalikod. Hinugot ang cellphone at nag-send ng message sa headquarters.

It's done.

Sumakay siya sa motorbike at umalis. Sinipat ang oras sa suot na relos. Fifteen minutes down to ten. Aabot pa ba siya? It's his girlfriend debut. Anjellena Villana. Tonight, she's turning eighteen. Almost two years na rin silang nasa isang lihim na relasyon. Sekreto kasi menor de edad ito. Pero ngayon ay pwede na nilang isa-publiko ang pagmamahalan nila.

Nakilala niya ang dalaga nang i-kontrata siya ng ama nito para bantayan ito mula noong may nagtangkang dukutin ito. Sixteen lang ito noon. And he is nineteen. He works part time at the NBI as a professional hunter while studying in law school. Most of his missions were in underground. He's doing undercovers and engages in street fight and grappling which is a common underground business.

Nahinto lamang pansamantala ang mga misyon niya roon nang maging bodyguard siya ni Anjellena. Nag-focus siya sa pagbabantay sa dalaga. She's a very sweet girl and a campus figure. Hindi niya napigilang mahulog rito. Fortunately, she felt the same way towards him. Agad siya nitong sinagot noong manligaw siya. Their relationship went smoothly. For him it's perfect. She's perfect.

An hour later, he's in front of the huge gate of her house. Dinig hanggang doon ang malakas na musika at tawanan ng mga bisita. Ipapakilala daw siya ngayon ng dalaga sa ina nito bilang boyfriend. Huminga siya ng maluwag at nag-doorbell. Bumukas ang gate at sumilip ang naka-unipormeng gwardiya.

"Good evening," bati niya at ipinakita rito ang kanyang invitation.

"Good evening po, sir. Tuloy po kayo." Pinapasok siya nito. Tinawid niya ang malawak na bakuran at nilandas ang pathway papunta sa grand ballroom ng mansion kungsaan idinaos ang party.

Nakagayak sa labas ng buong ballroom ang mga makukulay na ilaw at mga pulang balloons na hugis 18 at may wide screen kungsaan makikita ang mga pictures ni Anjellena. Napangiti siya at nakadama ng pagmamalaki sa sarili. She's just so beautiful. Mukha itong anghel.

Nagpatuloy siya sa paghakbang nang hindi inaalis ang mga mata sa wide screen. When suddenly he bumped into somebody. Dagli niyang binawi ang paningin at hinapit ang babaeng nabangga niya para alalayan itong wag matumba. Nahulog sa sahig ang dala nitong basket at nagkalat sa ground ang mga prutas na laman niyon.

"I'm sorry, did I hurt you?" Tanong niya.

Nakatitig sa kanya ang babae. Nakaawang ang bibig. He saw terror in her eyes.

"O-okay lang," itinulak siya nito at nagmamadaling pinulot ang mga prutas.

Tinulungan niya ito. Sa assessment niya mukhang nasa mid-thirties na ito.

"Salamat." She grabbed the basket and ran away.

Sino ba iyon? She doesn't look like one of the guests. She's not wearing the prescribed outfit for the party. Napahinto siya. Biglang kinutuban. Hindi kaya magnanakaw iyon? Pumihit siya at hinabol ang babae.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon