35TH NIGHT

776 55 1
                                    

Alam ni Kassiopia na may mali sa buong palasyo. Hindi lamang niya nararamdaman iyon kundi nakikita niya. May mga kasama silang nilalang na nababalot ng itim na mahika. Mga nilalang na hindi dapat naroon at hindi dapat nakapasok. Ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit hinayaan ng pantas.

"Kung may tiwala po kayo sa akin, kamahalan, ako na ang bahala." Sabi nito noong huli silang nagkausap.

Ayaw niyang pagdudahan ang kakayahan ni Sajid. Matagal na nitong napatunayan ang sarili at katapatan sa kanya. Mula pa noong bata siya, ang pantas na alam niyang may lihim na pagtatangi sa kanya ay hindi kailanman nagtaksil.

Hinaplos niya ang tiyan at pinagmasdan si Dark. Natutulog pa rin ang binata sa kama na nasa likod ng mahiwagang harang na mahikang nilikha ni Sajid upang hindi malapitan at mahahawakan ng kahit na sino.

Pati si Ascalon ay hindi na rin nag-aapoy. Sa pagtulog ng mandirigma ay kasabay ring naidlip ang apat na elementong binibigyan nito ng buhay.

"Mahal na Kassiopia, dumating na po ang hari ng Santikan." Balita ni Kampilan sa kanya.

"Puntahan natin siya." Tumayo siya sa kinauupuang mahabang sofa at naglakad palabas. Nag-iwan siya ng masuyong sulyap kay Dark bago isinara ng amasona ang pinto.

Kasalukuyang kausap ni Karim si Krad sa tagong bahagi sa labas ng palasyo. Ang parte na protektado mula sa mga mata at taingang nakasubaybay. Nang makita siya ng dalawa ay dagling sumalubong ang mga ito.

"Tama ang sinabi ni Sajid. Wala na akong aasahan mula sa mga sundalong nasa kampo sa labas ng hangganan ng kaharian." Pahayag ni Karim. "Hindi ko pa rin matukoy kung anong nangyari. Hindi makapasok ang kapangyarihan ko roon. Gaya ng ibang mga kawal dito, ang buong kampo ay binalot ng itim na mahika." Dagdag nitong paliwanag.

"Hindi pa rin ba nilinaw ng kapatid ko kung anong nagaganap, mahal na reyna?" tanong ni Krad na alertong sinuyod ng tingin ang paligid.

"May tiwala ako kay Sajid. Alam kong may dahilan kaya tahimik siya hanggang ngayon." Sagot niyang nasa tono ang determinasyon kahit may umusbong na pangamba sa kanyang puso dahil sa nakaambang panganib na ramdam niyang papalapit.

"Nasaan ba ang kanyang katapatan? Maiintindihan ko kung hindi siya makikinig sa akin pero ikaw ang kanyang reyna. Dapat nilalatag niya sa iyo ang sitwasyon kaysa paglihiman ka." Himutok ni Karim na naiiling.

"Sad to say but Sajid's loyalty is more on the side of the Zaargo. But then, the king has a point, Kassiopia. Kailangang may alam tayo kahit papaano para alam natin kung saan lulugar at kung anong pwedeng gawin. Bukas na ang iyong koronasyon." Singit ni Krad upang mapagtibay ang punto ng hari.

Ngunit gustuhin man niyang kausapin si Sajid, nagkukulong sa tore ng palasyo ang pantas at nagsasagawa ng ritwal upang mapalakas ang mga harang sa palibot ng buong kaharian.

Bukas kasabay ng kanyang koronasyon ay kabilugan din ng buwan. Bagamat sisikat iyon kasabay ng araw at mananatili hanggang sa gabi. Palatandaang ibinibigay ng kanyang ina ang basbas ng kanyang pamumuno.

Nang gabing iyon ay doon muli siya sa ibaba nanatili para bantayan at samahan si Dark. Habang nakaupo sa mahabang sofa ay sinubukan niyang pasukin ang tulog na diwa ng binata. This has been her third attempt. Ngunit tulad ng mga nauna niyang tangka ay hindi siya nagtatagumpay. Umaangat ang kapangyarihan niya at halos sasabog na siya kaya kailangan niyang bawiin. Minsan ay naiisip na niyang hindi tulog ang lalaki. He is repelling her contact across his subconscious and pushed her back.

Nanlalatang ibinagsak niya ang sarili sa sofa. If only she's not pregnant, she can summoned her power easily without worrying.

Kinabukasan ay maagang binuksan ang tarangkahan ng palasyo para sa mga panauhin at mga mamamayan ng kaharian na dadalo sa kanyang koronasyon. Sa kabila ng itim na mahikang nasa ere ay dama pa rin sa buong kapaligiran ang kasiyahang itinakda ng araw na iyon.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon