Hindi inaasahan ni Dark ang mainit na pagtanggap ng mommy ni Anjellena sa kanya. Ipinakilala pa siya ng mga ito sa mga kamag-anak at mga kaibigan.
"Well, Dark, we're looking forward to seeing you more often starting tonight." Hinaplos nito ang kanyang balikat. "Masaya ako at ikaw ang naging boyfriend ni Anjellena. Alam kong aalagaan mo siya at iingatan." Sabi nito.
"Thank you, Ma'am." He curtsied before she left him with Anjellena and went to the other guests.
"Babe, may gumugulo ba sa isip mo?" Tanong ng dalaga sa kanya. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa isang sulok matapos niyang isayaw ng paulit-ulit ito tulad ng pinangako niya. "Kanina ko pa napapansin na parang restless ka."
Pinukol niya ng tingin ang mommy nito na abala sa pag-entertain sa mga bisita. "Can I ask you something?" Binawi niya ang mga mata at ibinaling sa dalaga.
"Yeah, sure. Ano iyon?"
"Do you have a sister?" Nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata nito at kung hindi dahil sa make-up ay malamang namutla pa ito. Dumampot siya ng wine glass mula sa tray na bitbit ng butler na dumaan sa kanila at ibinuhos sa bibig ang laman.
"H-How did you know? T-that was suppose to be a family secret." Gumaralgal ang boses nito.
"I accidentally lost my way in the basement before coming here. I saw her there. In cage." Humigpit ang hawak niya sa wine glass. "Bakit siya nandoon, Jel? Bakit hindi ninyo siya kasama rito ngayon?" Alam niyang wala siyang karapatang humingi ng paliwanag pero gusto niyang makarinig ng sapat na dahilan para matahimik ang isip niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ang isang miyembro ng pamilya ay kailangang ikulong sa ilalim ng lupa kungsaan walang hanggang kadiliman ang tanging kasama nito roon.
"May sakit siya."
"Kung may sakit siya bakit nandoon siya at nakakulong? Di ba dapat nasa hospital siya o kaya'y sa isang asylum para magamot? At gaano kalubha ba ang sakit niya para kailangang ikadena ang mga kamay niya at paa?"
"Babe, hindi mo kasi naintindihan!"
"Then make me!"
Huminga ng malalim si Anjellena. "Renfield's Syndrome ang sakit niya. She craved for human blood. It's incurable."
For a moment he wasn't able to react. That girl craved for human blood? Renfield's Syndrome? What kind of illness is that?
"Babe, wag mo naman sanang isipin na masama kami. Ginawa lang namin kung anong tama para hindi siya makapanakit ng tao." Hinaplos ni Anjellena ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. "I love you, Dark."
Nahimasmasan siya. Pero bakit sa basement? Pwede namang sa isa sa mga silid sa mansion ikulong ang dalagang iyon. Pero may pagkakaiba ba kung nakakulong pa rin? The place would never make a difference.
He unbound a deep breath and rest his case. Inisip na lang niya na baka nasusunog din ang dalaga kapag tinatamaan ng sinag ng araw tulad ng bampira kaya naroon ito. Kahit hindi tanggap ng utak niya ang pilosopiyang iyon.
"I love you too, Jel." Hinapit niya ang girlfriend.
And they shared a hot and torrid kiss. But then again, that girl's image appeared in his mind out of nowhere. Pero hinayaan na lang niya.
Madaling araw na nagtapos ang party. Hindi siya pinayagan ni Anjellena at ng mommy nito na umuwi. Habang nagpapahinga sa isa sa mga guest rooms ng bahay naisip niyang i-reasearch kung ano ang Renfield's Syndrome gamit ang kanyang phone.
Renfield's syndrome is an illness close to being a vampire but is completely different. People having this kind of sickness craved for fresh human blood. They attack and could even kill their victims but unlike vampires they are pure humans. The sickness can be triggered once one of the four primary human emotions will be intensified especially anger and fear.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...