Dinig ni Kassiopia ang halinghing at mga yapak ng kabayong papalayo. Si Dark na naman iyon. Pitong araw nang sunod-sunod na umaalis ang binata para puntahan si Alura. Gusto niya itong pigilan pero wala siyang sapat na rason para gawin iyon sa ngayon.
He knew the prophecy, yet, in spite of Sajid's words he is reassuring her that everything is fine, though the prophetic truth would likely never fail in this world.
"Si Zalim ba iyon, kamahalan?" tanong ng pantas sa kanya na sumunod habang naglalakad-lakad siya sa gilid ng lawa sa likod ng palasyo.
Tumango siya. Hinulog ang mga paa sa tubig at dinama ang lamig na kumikiliti sa kanya.
"I had a very strange dream last night. Dark left me. Zalim left me for that goddess. Yet, I can't afford to cry. I had to keep the pain." She smiled bitterly wagging her feet back and forth against the crystal water.
"Baka alaala ng iyong ina ang napanaginipan mo. Pabalik-balik lang ang kasaysayan sa mundong ito, kamahalan. Hangga't walang nagbago sa propesiya, mauulit at mauulit ang mga pangyayari." Ibinalabal ni Sajid sa kanya ang puting tela na may burdang gintong ibon. "Nang maiwan noon ang iyong ina, pinigilan siya ng dating pantas na umiyak. Hanggang sa naipon ang sakit sa kanyang puso at isang araw ay hindi niya kinaya ang bigat. Nilason ng kanyang mga luha ang buong kaharian. Dahil doon kaya hindi mo siya nakakasama."
Tumingala siya sa langit. Naroon ang kanyang ina at nakakulong sa buwan. Ang tahanan ng kanilang lahi. Hanggang ngayon ay pinagbabayaran nito ang pagkakasala.
"Pero hindi kita pipigilang umiyak, Kassiopia. Lumuha ka kung gusto mo. Huwag mong pigilan ang sakit." Pahayag ng pantas.
Binawi niya ang paningin at ibinaling kay Sajid. Nagsimulang bumigat ang kanyang mga mata dahil sa mainit na likido. Gusto niyang umiyak. Inalis niya ang mga paa sa tubig at muling naglakad kasabay ang paglaya ng pulang likido sa kanyang mga mata.
She's crying blood. This is her distinction from anyone. Bawat mabigat na patak niyon sa lupa ay nagbibigay ng buhay sa nakalalasong bulaklak. She stopped walking and looked back. Behind her are the black lotus breathing poison in the air. The flowers bloomed because of her tears.
"Sajid," she called out.
"Huwag kang mag-alala, kamahalan. Ako na ang bahala sa mga bulaklak na iyan. Kinabukasan ay matutuyo rin naman sila!" Sigaw ng pantas. "Tumingin ka sa lawa!"
Bumaling siya sa lawa at nakita niya roon sina Dark at Alura. Nasa tuktok ng burol ang dalawa sa labas ng mahiwagang talon ng buhay at may pinag-uusapan. Sakay pa rin ng kabayo ang mandirigma at tila may pinagmamasdan sa malayong bundok.
Nasa balikat nito ang isang agila at sa ibaba ay may dalawang lobo na wari ay naghihintay ng utos. Maya't maya ay sumampa sa kabayo ang bathala. Pumuwesto ito sa gawing harapan ni Dark.
Napaurong siya at natutop ang bibig nang makadama ng kakaibang init mula sa kanyang sikmura. Gumapang iyon paakyat sa kanyang lalamunan.
"Sajid!" Sigaw niya kasabay ang gintong likido na umagos sa kanyang bibig. Bumagsak siya sa makapal na latag ng mga malalambot na damo.
Humanap ng ibang daan ang pantas para makaiwas sa lason na ibinubuga ng mga lotus.
"Kamahalan," umuklo ito at hinawakan ang kanyang pulso. "Mahal na kassiopia, nagdadalang-tao ka."
Saglit siyang natulala. Buntis siya? Ganoon kabilis? Pitong araw pa lang ang lumipas mula nang magtalik sila ni Dark doon sa talon ng buhay.
"Pero pitong araw pa lang, Sajid." Naguguluhang tumitig siya sa pantas.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...