Tanaw ni Dark mula sa verandah sina Maricruz at ang mga batang tinuruan ng dalagita ng mga awiting kundiman. Nakaupo sa ilalim ng lilim ng puno ang mga ito at buhos sa pakikinig. Naroon din ang dalawang private tutors at nakikisali sa kantahan.
The place has become a little sanctuary for them. Payapa. Tahimik. Pumihit ang lalaki at naglakad patungo sa silid nilang mag-asawa. Habang papalapit ay dinig niya ang tawa ni Kassiopia at ang hagikgik ng anak nilang tiyak nilalaro nito.
Mag-aanim na buwan na sila rito sa kahanay na mundo. Mukhang nawiwili ang mag-ina niya sa simpleng pamumuhay dito at iniaasa na lamang kay Sajid ang pamamahala sa Lantauan.
They're staying in Villa Aguirre. Kassiopia is back with her business at Aguirre Energies and they're able to buy few shares at Januarious too to secure a seat in the board. Ngunit malaking proceeds ng dalawang kompanya ang hinulog ni Kassiopia sa isang charity foundation para makatulong sa mga nangangailangan.
They've established her name as Rosalyn since the society knew that the name Kassiopia Aguirre passed away a couple of years ago. Pinalabas nilang kamag-anak ito. Kamukha ngunit magkaiba ang estelo. Natanggap naman ito ng mga tao. Mas kinagigiliwan pa nga. Kung noon wala itong matatawag na mga kaibigan, ngayon ay napaliligiran ito ng mga taong nagmamahal dito.
Pumasok siya sa kwarto at natawa sa dalawang mukhang bumungad sa kanya. Parehas na nakabukol ang pisngi at pinalalaki ang mga mata.
"Anong character iyan?" Halakhak niya.
"Ugly duckling." Sagot ni Kassiopia at pinupog ng halik ang anak nilang si Kizayah.
Ibinaba nito ang bata at hinayaang maglakad ng paisa-isang hakbang patungo sa mga laruang nakakalat sa sahig. They've made a nursery room out the connecting door. Bukas ang pinto niyon at natatanaw niya mula sa kanyang kinatatayuan. Painted in pink and purple pastels. Kalahati ng dingding paitaas ay balot ng wallpaper border. Displaying the different magical creatures of Lantauan- fairies, winged horses and colorful birds, in mural form.
Matapos kulitin ni Kassiopia ang bata na nangisay sa kiliti ay ito naman ang hinatak niya at mapusok na hinalikan sa labi.
"Red moon mamaya," bulong niya.
"Talaga?" Sinipat siya ng asawa ng malanding tingin."Uh-huh, gusto mo gawan ko na ng kapatid si Zayah?"
"Kaya mo ba? Mukhang sumuko na iyang mga binhi mo." Panunukso ni Kassiopia na nakabungisngis. Ilang red moon na rin kasi ang dumaan at madalas niyang ipagyabang na makabubuo na ulit sila pero wala pa rin.
"Don't understimate my little warriors. Mamaya, titiyakin kong makakapag-iwan na ako." Pinisil niya ang ilong nito at muli itong siniil ng halik.
Kapwa sila napatingin sa vintage mirror nang lumitaw doon si Sajid, karga ang isang sanggol na hindi na niya kailangang itanong kung kaninong anak dahil kamukhang-kamukha nito.
That mirror is their medium of communication to Lantauan Mountain.
"Kamahalan, gusto ko lang ipakita sa inyo ang aking anak." Pagmamalaki ng pantas.
"Congratulations, Sajid!" Natutuwang lumapit sila ng asawa sa salamin.
"Lalaki? Hindi nagmana sa iyo." Biro niya.
"Mukhang nagkaroon na ng diperensiya ang paningin mo, Zalim, dahil sa katatawid sa lagusan." Gumanti si Sajid at ipinagyabang ang tila maliit nitong version na payapang natutulog sa mga bisig nito.
"Kailan nanganak si Kampilan?" tanong ni Kassiopia.
"Kahapon ng madaling araw."
"Nasaan siya para mabati ko rin?"
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...