2OTH NIGHT

870 70 5
                                    

NAGMAMADALI sa pagligo ang dalaga pagkatapos ng morning work-out niya sa built-in gym sa ikaapat na palapag ng bahay. Matapos siyang mag-shower, tinawagan niya si Arlene para dalhin na lamang doon sa bahay ang mga pipirmahan niyang dokumento.

Pinakansel na rin niya ang iba niyang appointment sa araw na iyon. Pinuntahan niya si Karim sa kwarto nito pero tulog pa ang lalaki. Bumaba na lang muna siya ng kusina at tiningnan kung anong hinanda ng mga katulong para sa agahan.

Habang hinihintay na gumising ang nobyo ay nagtungo siya ng garden at namitas ng red roses para sa dining room. Dinala niya ang mga napitas na rosas sa tea house kung saan niya iniwan ang flower vase.

Natanaw niyang papalapit sa tea house si Dark habang tinatanggalan niya ng tinik ang mga rosas gamit ang gunting. May bitbit na coffee mug ang lalaki. He's breathtakingly handsome with his hair neatly brushed up. Bagong paligo rin ito. He's wearing a white sweatshirt and white loose trousers.

Pumanhik ito sa tea house. "Coffee?" Alok nito at bahagyang itinaas ang hawak na mug.

Umiling siya at ngumiti. Uminom na siya kanina ng gatas. "Ouch!" nabitawan niya ang hawak na tangkay ng rosas at agad isinubo sa bibig ang hintuturong natusok ng tinik. Ayan kasi Kassiopia, tatanga-tanga ka, nakakita lang ng gwapo. Lagi mo naman siyang nakikita, di ka pa rin nasasanay.

Nilapag ni Dark sa ibabaw ng table ang mug. "Let me see," kinuha nito ang kamay niya at sinuri ang natusok niyang daliri. Hindi na iyon dumugo pero namumula at nagsisimula ng mamaga manghapdi.

"Why do roses have thorns?" himutok niyang parang bata.

"So it won't be easily captured." Sagot ng binata. Kumuha ito ng panyo at nilatag iyon sa table at nagtanggal ito ng mga petals ng rose at nilagay roon saka nito simulang dikdikin iyon ng kamao nito. "When I was little my mother told me stories about the rose princess."

"Rose princess?"

"Yeah, why it has to have thorns."

"Was it an urban legend?"

Umiling ito. "More like a fairy tale. But a tragic one." Matapos nitong dikdikin ang petals ay piniga nito iyon at ang katas ay pinahid sa natusok niyang daliri. "My mother said, the Rose Princess was a vampire from the moon. Very beautiful and powerful. She can turn anyone into dust just by looking in her eyes, that's why her mother decided to seal her power off." Pigil-pigil niya ang paghinga at namimilog ang mga mata habang nakikinig. The story is similar to the one she heard back in her dreams.

"The Rose princess was caught up in the middle of a war. Nailigtas siya ng mandirigmang nagmamahal sa kanya. But afterward they disappeared. Everyone thought they both died. Days later, a flower appeared in the wild, a beautiful flower with the color of blood and covered with thorns. May nagsabing ibinuwis ng mandirigma ang buhay nito alang-alang sa prinsesa at ito ang mga tinik ng bulaklak."

"Ang gandang kwento." Komento niyang wala sa loob habang pinagmamasdan ang daliri na banayad na pinapahiran ni Dark ng katas ng rose petals. Dumampot siya ng isang tangkay. "Itong mga tinik niya, ito pala ang lalaking nagmamahal sa kanya." Bigla siyang nakadama ng pagsisisi kung bakit niya tinanggal ang mga tinik kanina.

Kailangan niyang bumalik sa kanyang panaginip at alamin kung may katotohanan ang kwento at kung bakit alam ni Dark ang tungkol doon. Kunot-noong tumingin siya sa lalaki at binawi ang kamay.

"Dark, narinig mo na ba ang tungkol kay Maria De Cacao?"

"Of course. She's a famous fairy from the folklore."

"Paano iyong Kaharian ng Lantauan?"

"May ganoon bang kaharian?"

Marahan siyang umiling. "Never mind."

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon