Chapter 10: Ate feels

883 31 1
                                    

FARRAH'S POV

"Hindi ka ba lalabas?" Tanong ko kay Matthew na naka-upo sa kama, nakasandal sa headboard at nagla-laptop. May suot siyang salamin at ang cute niya. Joke. Cute talaga. Sandali niya akong tiningnan.

"No. Why?"

"Maglilinis ako baka madumihan ka."

"Don't mind me, ok mahalaga 'tong ginagawa ko. Just do your job."

"Ok." Nagsimula na akong maglinis kaya lang medyo nakakailang dahil narito si Matthew pero okay lang dahil hindi naman niya ako pinapansin. Sinimulan kong i-vacuum ang sahig at pagkatapos ay inayos ang ilang mga nakakalat niyang gamit.

Napatingin ako kay Farrah habang nagpupunas ng pawis sa noo. Pagod na pagod na siguro siya kasi kanina pa siya naglilinis. Masyado ko naman yata siyang pinapahirapan. Tumayo ako at lumabas na hindi nalalaman ni Farrah dahil nakatalikod siya sa akin. Bumalik ako sa kwarto na may dalang tubig para sa kaniya. Nakakaawa naman kasi 'tong babaeng 'to eh. Lumapit ako sa kaniya at inabot ang baso ng tubig.

"Ano 'yan?"

"Tubig. Can't you see?"

"Alam ko ang ibig kong sabihin bakit mo 'ko binibigyan niyan?"

"Ayaw mo ba?" Babawiin ko na sana pero kinuha niya agad sa akin.

"Ito naman nagtatanong lang eh." Ininom niya lahat ang tubig. Uhaw na uhaw naman pala ang dami pang tinatanong.

"Salamat. Ako na ang magdadala nito sa labas." Kinuha ko sa kaniya ang baso.

"Tapusin mo na lang ang paglilinis mo."

Minsan hindi ko talaga maintindihan ang ugali ni Matthew. Napaka-moody niya. Dahil tapos na ako sa lahat inayos ko na lang ng kunti ang kama niya. Napanganga ako ng napansin ko ang laptop niya and guess what? Naglalaro lang pala siya? Seryoso? Ito na ba 'yong mahalaga niyang ginagawa?

"Tapos na 'kong maglinis. Aalis na ako." Sabi ko kay Matthew na nakabalik na sa kwarto.

"Sandali lang."

"Bakit two thousand 'to?" Taka ko ng abutan niya ako ng two thousand.

"Marami mo kasing ginawa kaya dinoble ko na. Ayaw mo ba?"

"Gusto. Sige alis na ako." Kinuha ko kaagad ang pera niya. Baka magbago pa ang isip eh.

"Sandali."

"Bakit?"

"Hatid na kita."

"Hindi na kaya ko na 'to."

"Huwag ka ng mahiya, ok."

"Hindi ako nahihiya, ok. Sige, alis na ako."

Paglabas ko kinuha ko na ang shoulder bag na dala ko at paalis na sana ng biglang mag-ring ang cellphone ko sa bag kaya napahinto ako. Kinuha ko muna ito at si Josh pala ang tumatawag.

"Hello?"

{ "Hi, Farrah." }

"Josh, napatawag ka?"

{ " Yeah, kasi do you have any plan tomorrow?" }

"Meron bakit?"

{ "Aayain lang sana kitang magsimba sayang wrong timing pala ako." }

"Ah...sorry may gagawin kasi ako bukas-" Napatingin ako kay Matthew dahil inagaw niya bigla ang phone ko.

"Anong problema mo?"

"Oops, sorry na-end ko ang call." Sinimangutan ko siya.

"Eh, bakit kasi kinuha mo na lang 'yang phone ko?"

"May titingnan lang kasi ako."

"Ano?" Sinuri niya ang cellphone ko.

"Nevermind. Hindi naman gano'n kahalaga." Binigay niya na sa akin. Nangyayare ba sa kaniya?

"Ok na pwede na ba akong umuwi?"

"Ok." Nilagay ko na ulit ang cellphone ko sa bag saka tuluyang umalis. Palihim akong napangiti sa inasal niya. Ewan ko ba pero ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Napa-iling na lang ako. Imposible may gf siya. Ex nga pero bakit sila naghahalikan. Selos ba ako? Hindi.

Hindi ko nga pala nabanggit na kapag sabado at linggo wala akong pasok sa cafe ni Ms. Jade pero meron akong isa pang part time job tuwing sabado. Sa 7/11 lang naman at malapit sa amin. Tuwing sabado lang ang nakuha kong part time at 5 o'clock ang pasok ko. Dumaan muna ako sa isang department store at bumili ng pasalubong para sa dalawa. Dahil nga may one hour pa ako kaya nag-decide ako na umuwi muna ng bahay para maghapunan. Pagdating ko nakaluto naman na si Sarrah pero hindi pa rin sila kumakain.

"Ate." Lumapit agad sa akin si Aldice kaya binigay ko ang pasalubong ko sa kaniya.

"Thank you, ate."

"Welcome! Bigyan mo si ate Sarrah."

"Opo." Lumapit ako kay Nanay na nanunuod ng tv at nag-mano.

"Kumain ka na anak nagluto na si Sarrah diyan."

"Sabay-sabay na po tayo."

"Busog pa ako 'nak eh kakakain ko lang ng meryenda. Sige na ikaw na ang kumain do'n."

"Sige po." Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang perang binigay ni Matthew.

" 'Nay, itabi niyo na po ito pang gastos niyo kapag po may bibilhin kayo o may kailangan kayo."

"Anak, sayo na 'yan pinaghirapan mo ang perang 'yan eh."

" 'Nay, okay lang po sige na kunin niyo na po."

"Eh hindi ba kabibigay mo lang sa akin ng pera hindi ko rin naman nagagastos eh. Sayo na 'yan mas kailangan mo 'yan sa school."

"Sige na nga po 'nay basta kapag may kailangan po kayo 'wag po kayong mahihiyang mag-sabi sa akin ha."

"Oo naman, anak."

"Sige po kain lang po ako."

"Sarrah." Tawag ko sa kaniya na nagliligpit dito sa kusina."

"Yes ate?"

"Allowance mo." Lumapit siya sa akin at kinuha ang perang inaabot ko.

"500 ate? Wow, titipirin ko talaga 'to ate. Salamat ate ang bait-bait mo talaga. I love you, ate." Niyakap niya ako ng mahigpit at tuwang-tuwa. Minsan ko lang kasi siya bigyan ng ganiyan kalaking pera.

"Oo na ano bang ulam natin?"

"Adobo ate wait ipaghahain kita." Bigla akong napatingin kay Aldice na hinihila ang damit ko.

"Why little girl? May kailangan ka?"

"Baon ko?" Saka niya nilahad ang kamay sa akin. Napatawa ako sa itsura niya.

"Ading, hindi ka pa naman pumapasok eh kaya wala kang baon." Sabi ni Sarrah na nakalapit na sa amin at tinatawanan ang kapatid. Kinuha ko siya at sinampa sa hita ko.

"Papasok na rin ako ate." Diretsong sabi nito. Four years old pa lang siya pero straight na siyang magsalita at napakadaldal pa.

"Sige bibigyan kita ng baon ilan ba gusto mo?"

"Five lang." Pinakita pa niya sa akin ang kamay niya. Nagtawanan kami ni Sarrah.

"Ha-ha-ha! Makakatipid ka ate kay Ading."

"Five lang gusto mong baon?"

"Opo." Kinuha ko ang bag ko at binigyan siya ng twenty pesos.

"Apat na five. Yeheyy! Thank you ate." Tuwang-tuwa siya.

"Sige na nga kakain na ako. Sabayan mo na lang si ate dito."

Nagpalipas lang ako ng ilang minuto at umalis na rin.

_____________________________________________________

VOTE LIKE AND COMMENT IF YOU LIKE MY STORY💙

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon