Chapter 30: Vacation Plan

586 15 0
                                    

FARRAH'S POV

"Babe, aalis muna ako may emergency sa office eh," paalam ni Josh sa akin. We're in my room right now.

"Ano daw?"

"I don't know yet."

"Sige hatid na kita sa labas."

Nagpaalam na si Josh kay nanay at sa dalawa. Hinatid ko na siya sa labas kung nasaan ang kotse niya.

"I'll go ahead." Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Take care."

"Thank you. I'll call you later."

"Okay."

Bumalik na ako sa loob ng makaalis na si Josh. Nilapitan naman ako ng dalawa kong kapatid ng makarating ako sa may sala.

"Why?"

"Ate, magpa-book na kaya tayo ngayon."

"Oo nga ate baka kasi maubusan tayo ng hotel na malapit sa may beach eh. For sure maraming magbabakasyon ngayon do'n dahil summer."

"Excited kayo ha."

"Sige na ate."

Hinila ako ng dalawa paupo sa may sofa.

"Now na ate magpa-book na tayo ha."

"Okay sige kaso 'yong phone ko naiwan sa kwarto."

"Ako na ang kukuha ate." Boluntaryo ni Aldice na nagpuna na sa taas. Bumalik din naman siya kaagad.

"Here, ate." Kinuha ko ang cellphone kay Aldice.

"Ate, tulungan na kita'ng maghanap, okay?"

"Okay. Mabuti pa nga, Sarrah."

Nag-research ako kung saan sa Boracay kami makakapag-check in. Maraming pwede kaso 'yong iba medyo malayo sa beach. Mga 10-20 minutes pa para makarating sa beach.

"Ate may nakita na ako, Savoy Hotel Boracay? Ay ate 'wag na pala 'to kasi ilang minutes pa para makarating sa beach."

"Hanap ka pa."

"Ayon ate ito na talaga tabi lang siya ng dagat. Ang saya dito."

"Anong name?"

"Bluelilly Hotel. Okay na 'to ate kahit hindi siya gano'n kalaki pero mukhang maganda naman siya."

"Sure ka diyan na tayo?"

"Oo ate."

"Wait, I'll search for it. What name?"

"Bluelilly Hotel, ate."

"Hmm, okay naman siya. Mag-i- inquire lang muna ako. May number pala dito for reservations and inquiries."

Tinawagan ko na ang hotel na sinasabi ni Sarrah and we talked in about 15 minutes for the reservation.

"Yeheyy! Finally, makakapag-bakasyon ulit tayo sa malayo." Tumatalon pa'ng sabi ni Aldice.

"Ate, bakit 3 days and 2 nights lang tayo do'n?" Nakangiwi pa'ng singit ni Sarrah.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon