Chapter 57: I am missing you so much and it kills me everyday

459 12 0
                                    

(Play music above while reading, guys💙)

FARRAH'S POV

Kagabi pa ako hindi pinapansin ni Matthew hanggang kaninang umaga. Ano kayang problema no'n? May nagawa ba ako? Gosh! Anyway, nasa office na nga pala ako ngayon.
Ano kayang gimmick ang pwede ko'ng gawin.

"Ma'am Farrah, 'di ba malapit na po ang debut ni Sarrah." Tanong ni Dhesa.

"Oo nga eh. Tingin mo ano'ng pwede nating gawing gimmick?"

"Hmm..." Nginitian niya ako ng maluwang.

"Ako pong bahala Ma'am Farrah kasi hindi niyo po natatanong dati akong event organizer. Make-up artist din po ako kaya solve na ang lahat. Isa-suggest ko na lang din po 'yong event place namin kasi sobrang ganda din po do'n saka solid ang service nila."

"Wow! Sige so ang kailangan ko lang gawin ay magpa-reserve na kasi malapit na din naman ang debut ni Sarrah."

"Sige po."

"Teka paano 'yong gown ni Sarrah?"

"Ah may kilala din po akong designer sasamahan ko na lang si Sarrah para makuha ang sukat niya."

"Sige. Sige ikaw na bahala. Teka ano lang pala ang gagawin ko? Ako nga pala 'yong kapatid, 'di ba?" Nagkatawanan na lang kami pareho.

"Sagot niyo na lang po 'yong ireregalo ko ma'am Farrah."

"Ha-ha! Ano nga pala ang gift ko sa batang 'yon?. Hmm!"


SARRAH'S POV

Kinuha ko 'yong cellphone ko at tinawagan si King kaya lang hindi naman niya sinasagot. Hindi ba siya pumasok? I need to talk to him.

"Kelly."

"Hmm." Sagot niya na hindi naman ako tiningnan. Busy kasi siya sa pagsusulat ng ni-lecture kanina.

"A-Anong year at course ni...ni King?"

Nahihiya ko pang tanong. This time tiningnan niya na ako.

"Gusto mo na talaga siya?" Inirapan ko lang siya.

"Tsk! Tinatanong lang eh."

Binalik na ni Kelly ang atensyon niya sa pagsusulat bago ako sagutin.

"Third year, Business Ad."

"Alis muna ako, huh."

Tumayo na ako at umalis na. May 30 minutes break pa naman kami eh.

"Saan siya pupunta? Ayst! Imi-meet niya ba si King?" Napa-ngiti na lang si Kelly at muling nagsulat.

Gosh! Ang layo naman ng building nila. Ngawit na 'tong legs ko sa kalalakad may heels pa mandin 'tong sapatos ko. Tapos nasa 3rd floor pa 'yong room nila ayon sa napagtanungan ko kanina.

Sa wakas nakarating din ako after 20 minutes yata. Sumilip ako sa loob at hinanap si King. Nangunot ang noo ko no'ng napansin ko na lahat sila ay nakatingin sa akin. Bakit? Nakita ko naman si King na papalapit sa akin. Hinawakan ako sa kamay at hinarap sa mga kaklase niya.

"Everyone, meet my girlfriend." ANO DAW????????????



KING'S POV

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon