Chapter 5: Bossy Teacher

1K 29 0
                                    


FARRAH'S POV

Nagsisisi ako na pinagbigyan ko pa si Josh kasi kanina pa ako binging-bingi dito. Ang lalakas kasing sumigaw ng mga fans ni Josh. Sinama niya pa talaga ako dito as audience eh mukhang hindi naman na niya kailangan. Na-o-OP lang tuloy ako dito. Ang galing pala niyang mag-basketball kakabilib.

Napansin kong tiningnan ako ni Josh at nginitian ako ng maluwang. May ilang babae namang tumingin sa akin siguro mga fans niya. Mga ilang minutes pa ang lumipas at mag-aalas kwatro na pala kaagad kaya napatayo na ako. Hinintay ko lang na tingnan ulit ako ni Josh saka ko siya sininyasan na uuwi na ako. Medyo nakakalayo na ako ng marinig ko ang pagtawag ni Josh sa akin kaya napahinto ako sandali.

"Aalis ka na kaagad?"

"Oo eh may part time pa kasi ako."

"Ihahatid na kita ok lang ba?" Mabilis kong tinanggihan ang alok niya.

"Hindi na kaya ko na 'to. Salamat na lang. Sige na bumalik ka na doon baka naghihintay na ang mga kalaro mo."

"Nag-quit na ako eh. Sige na ihahatid na kita, Farrah. Hindi ako maaabala promise actually it's an honor to accompany a beautiful lady like you." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Kaya naman hindi na ako magtataka kung marami nitong girlfriend dahil sa mga sweettalks nito.

"Huwag mo akong bolahin hindi mo ako madadala sa mga sweettalks mo." Naglakad-lakad na ako at sumunod naman siya.

"Huy, assuming ka huh ihahatid lang naman kita." Pinagtawanan niya pa ako.

"Ako pa ngayon ang assuming huh. So bakit mo ako ihahatid, aber? Mga girlfriends mo na lang kaya ang guluhin mo, okey?" Mas lalo siya'ng natawa sa sinabi ko.

"Mga girlfriends talaga? Grabe ka naman sa akin eh wala nga ako ni isa. At saka ihahatid kita dahil pinagbigyan mo ako kanina."

"Ang dami mo pang sinasabi. Ha-ha-ha!"

"Oo nga kasi."

"Oo na nga."

"Oo na? You mean tayo na?" Pinandilatan ko siya at mas natawa naman ito.

"Kidding! Ha-ha! So, pumapayag ka nang ihatid kita?"

"'Oo na' naniniwala na akong wala kang girlfriend ni isa."

"Good. Sige na ihahatid na kita saan ka ba nagpa-part time?" Naitirik ko na lang ang mga mata ko.

Ilang minutes ang lumipas nakarating na ako este kami sa food chain na pinagtatrabahuhan ko.

"Dito ka nagpa-part time? Isang beses na akong nakakain dito." Hindi halata sa kaniya na kumakain dito.

"Oo. Sige na salamat sa paghatid sa akin dito."

"You're welcome. Bye!"

Naka-save ako ng pamasahe kasi may sarili pala siyang kotse. Mayaman pala naman. Pumasok na ako sa loob.

"Hi, Farrah." Bati sa akin ni Gwen.

"Hi! Kanina ka pa?"

"Kadarating ko rin lang." Kunting chika lang at nagtrabaho na rin kami. Medyo maraming kumakain ngayon kaya hindi ko naramdaman ang oras mag-aalas otso na pala. Nakalimutan kong hindi pa nga pala ako kumakain. Tinawagan ko naman na si Nanay kanina at sinabi ko sa kaniya na dito na ako tutuloy. Pwede naman na kasing asahan ang sumunod kong kapatid kaya siya ang nag-aasikaso sa bahay kapag wala ako.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon