Chapter 61: First day of being in a relationship

593 15 2
                                    


FARRAH'S POV

"Because from now on you're my property, Farrah. You're taken now."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Matthew. Totoo na ba 'to? Hindi ba ako nananaginip? Parang nawala tuloy ang pagkalasing ko.

"Let's go."

Tiningnan ko si Matthew na nakatunghay sa 'kin. Inalalayan niya akong makalabas ng kotse. Lutang pa rin ako hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay. Naabutan ko naman sina nanay na nasa sala.

" 'Nak, okay ka lang ba?" tanong agad sa 'kin ni nanay.

"Opo."

Tiningnan ko lang 'yong dalawa na wala namang imik. Mabuti na lang hindi na sila masyadong nagtanong.

"Akyat lang po ako sa taas."

"Sige anak magpahinga ka na."

"Sige po."

Maglalakad pa lang ako ng mawalan ako ng balanse kaya napahawak ulit sa 'kin si Matthew. Lasing pa talaga ako.

" 'Nak, kaya mo ba? Sarrah-"

"T-Tita, ako na po ang aalalay sa kaniya kung okay lang po kasi pareho..."

"Sige, 'nak, mabuti pa nga. Salamat ha. Magpahinga na kayong dalawa."

Nagsipuntahan na rin sila sa mga kwarto nila while si Matthew naman ay nakaalalay sa 'kin. Tinanggal ko 'yong kamay niya na nakahawak sa may balikat ko.

"Kaya ko na Matthew."

Hindi ako makatingin sa kaniya kasi nahihiya ako. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Are you mad?"

"Hindi."

Naglakad na ako papunta sa may kwarto ko.

"Hey."

Nasa may pinto na ako ng kwarto ko ng hawakan niya ako sa braso at paharapin sa kaniya. Nakatungo lang naman ako at hindi siya tinitingnan.

"Are you shy?"

"No." Bigla ko'ng sabi na hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

"Look at me then."

"Sabing hindi ako-"

Bigla niya na lang akong hinalikan pero sandali lang 'yon. Napatingin ako sa paligid. Mamaya niyan makita kami ni nanay.

"Bakit ba bigla ka na lang nanghaha-"

Napamulagat na lang ako ng halikan na naman niya ako. This time medyo tumagal 'yon. Pulang-pula na yata talaga ako. Tumigil na siya sa paghalik at tiningnan ako sa mata. Sobrang lapit niya pa rin sa 'kin at naamoy ko pa nga ang mabango niyang hininga. Plus nagpadagdag pa 'yong scent na gamit niya.

"Don't be shy, Farrah. I'm your boyfriend now."

Halos mabulunan ako sa sinabi niya kahit wala naman ako'ng kinakain. Gosh! Hindi ba niya napapansin na pulang-pula na ako dito? Naramdaman kong gumalaw 'yong kamay niya na binuksan pala ang pinto.

"Hey."

Malambing na sabi niya dahilan para magising ako.

"Ha?"

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon