Chapter 39: He left her again

569 18 1
                                    

Kinabukasan. Pagmulat ng mga mata ko si Josh agad ang nakita ko na nakatunghay sa akin.

"Good morning, babe!" Maluwang siya'ng nakangiti.

"Good morning." Napaunat ako at napabangon na.

Late morning na pala.

"Susunod na lang ako sa baba maliligo lang ako."

Lumabas muna si Josh samantalang ako naman ay nagligo na muna saka lumabas at bumaba na rin.

Napahinto ako 'di kalayuan nang makita ko si Matthew na naliligo. Dahil nasa mababaw lang siya ay pansin na pansin ko'ng nakasuot lang siya ng trunks at naka-half-naked. Hindi ko magawang alisin sa kaniya ang paningin ko. He's so handsome and hot. Tsk! Erase, Farrah. Pagtingin ko sa paligid may mga babae ring nakatingin kay Matthew. Ano naman ngayon?

"Ate Farrah!" Napatingin ako sa sumigaw na si Sarrah.

Napatingin din sila sa direksyon ko pati si Matthew. Nginitian ko na lang sila at nag-wave back. Lumapit na lang muna ako kay na nanay na nandito sa isang side katapat lang nila.

"Anak, kumain ka muna."

"Hindi pa po ako gutom, 'nay."

"Sige, sabihan mo lang ako kapag nagugutom ka. Gusto mo maligo?"

"Maya-maya lang po."

"Si Josh po pala, 'nay nasa'n?"

"Hindi ba't pinuntahan ka sa kwarto mo?"

"Sabi ko po maghintay na lang siya dito, eh."

"Ayan na pala siya, eh." Napatingin ako sa tinuro ni nanay.

"Babe, sa'n ka galing?"

"Naglakad-lakad lang habang hinihintay ka."

Nakasuot lang siya ng Hawaiian short at sando sa itaas. Bakas na bakas din ang kagwapuhan at kakisigan niya kaya marami di'ng babae dito ang napapatingin sa kaniya.

Naupo siya sa tabi ko.

"Nag-breskfast ka na ba?"

"Para'ng busog pa ako, eh."

"Then, eat later." Tumango lang ako.

"Ate!" Napatingin kami kay Sarrah.

"Come on, let's swim together. Kuya Josh, let's go. Nanay."

"Sige, susunod ako, anak."

"Ate Farrah." Hinila na ako ni Sarrah papunta sa may dagat. Nakatawa lang si Josh at sinenyasan ko'ng sumunod na rin. Nakasuot ako ng swimsuit pero nagsuot pa rin ako ng fitted short. Ayos na 'tong panligo.

"Whoa! Ma'am Farrah, ang sarap po ng tubig."

Napatingin ako kay Dhesa at ngayon ko lang napansin na kasama pala niya si Anthony. Kinindatan niya lang ako nang makuha yata ang nasa isip ko.

"Ate Farrah." Kay Ading naman ako napatingin. Naka-thumbs up lang ito sa akin na nginitian ko lang. Nasa tabi lang siya at gumagawa ng castle sa buhangin.

Maya-maya ay napunta kay Matthew ang paningin ko at bigla ako'ng  nailang no'ng mahuli ko siya'ng nakatingin din pala sa akin. Mas nailang ako nang mapansin ko'ng napangiti siya ng bahagya. Tsk!

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon