Chapter 56: Evil plan

461 12 0
                                    

SARRAH'S POV

Binaba ko muna 'yong ice cream na kinakain ko at kinuha ang cellphone ng tumunog ang message tone. Pang-abala naman 'to kinikilig na ako dito eh. Binuksan ko na lang 'yong message na from unknown number. Pagbukas ko picture ni ate ang nakita ko agad. May sumunod na text ulit sa same number.

[ "She's your sister right?" ] Sino ba 'to?

[ "Who are you?" ] Text ko sa unknown number.

{ "I told you I saw her already." } Si King ba 'to?

[ "King?" ]

[ "Yeah." ]

Paano niya nalaman ang number ko? Isang text naman galing kay Kelly ang sumagot sa tanong ko.

[ "Sarrang, sorry namilit kasi si King kaya binigay ko na 'yong number mo. Peace." ]

Si Kelly'ng talaga eh. Pero hindi na 'to mahalaga dahil ang mas concerned ko ay ang picture ni ate na pinasa ni King. Tiningnan ko si Aldice na abala sa pagkain ng ice cream niya habang nanunuod ng tv. Tumayo ako at lumayo muna sa kaniya. Dinial ko na agad ang number ni King.

{ "Gustong-gusto mo talaga ako'ng makausap 'no." }

Hindi ko na lang pinansin ang pang-iinis niya.

"Sa'n mo nakuha 'tong picture?"

{ "Bakit ko sasabihin sa'yo? Are we friends?" }

"Hindi ako nagbibiro, okay." Seryoso ko ng sabi sa kaniya.

{ "Why are you so curious? I just saw that somewhere." }

"Saan nga? Pwede sumagot ka naman ng maayos kahit ngayon lang? Mahalaga 'to sa'kin, okay." Napansin naman niya yata na seryoso na talaga ako.

{ "Nakita ko lang sa drawer ng ate ko. I thought they're close friend pero hindi naman pala and she don't know your sister's name too." }

"Pero bakit may picture siya ng ate ko sa drawer niya?"

{ "That's why I wonder why." }

"Ano'ng name ng ate mo baka close friend nga sila ni ate Farrah?"

{ "Christel. Christel Atienza. My one and only older sister." }

Binabaan ko na siya ng tawag. Ano kayang connection niya sa ate Farrah ko? Pagbalik ko sa salas nando'n na pala si kuya Matthew na kakwentuhan ni Aldice. Kilala kaya ni kuya Matthew ang Christel na 'yon? Sakto namang bumaba si nanay.

"Dumating na ba ang ate niyo? Tawagin niyo na at kakain na tayo."

"Hindi raw po siya kakain kasi busog pa, nanay."

"Gano'n? Siya sige kumain na tayo. Matthew 'nak halika na kumain na tayo."

"Tutulungan ko na po kayo'ng maghain tita."

Habang kumakain nakamasid lang ako at tahimik. Si Aldice naman ay panay ang tanong kay kuya Matthew.

"Sarrah, are you okay? Kanina ka pa tahimik." Tiningnan ko si kuya Matthew.

"Okay lang po ako, kuya Matthew."

"Hindi lang po 'yan maka-move on sa mga oppa niya." Nginiwian ko na lang ang sinabi ni Aldice.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon