Chapter 42: Misunderstanding

533 18 0
                                    

FARRAH'S POV

"Sige na ako na lang kaya ko na 'to," sabi ko kay Matthew habang nakasunod ako sa kaniya dito sa may parking lot nila.

Nagpresenta kasi siyang ihatid ako sa bahay.

"Ihahatid na kita nakakahiya kay tita Belinda."

"Ako na lang magpapaliwanag sa kanila, okay? Sige na bumalik ka na sa loob, Matthew."

"Nasa akin ang susi ng kotse mo kaya 'wag ka ng maarte."

"Maarte talaga?"

Namilog na lang ang mata ko sa kaniya. Pumasok na lang rin ako sa kotse matapos ko'ng sabihin sa kaniya ang aking address.  Parang nagsimula lang kami sa umpisa ni Matthew kasi ang taray niya. Kung si Sir Matthew nga siya na kilala ko. Sana. Kinuha ko 'yong cellphone sa bag ko at pagbukas ko guess what? Ang daming messages and calls from:

Nanay: (3 missed calls, 2 messages)

-"Nag-aalala na kami sa'yo nasaan ka ba, 'nak?"

-"Pati boyfriend mo alalang-alala na sa'yo, 'nak."

Sarrah: (11 missed calls, 2 messages)

-"Sis, where r u?"

-"Ate, kung nagtanan ka okay lang peo andito bf mo eh."

Aldice: (No missed call, 2 messages)

-Ate Farrah, hulaan q nsa kuya Matthew q ikw dba? Nahanap mo na ba siya?"

-"Ate iuwi mo siya dto ah."

Mas natawa naman ako sa sinabi ni Ading. Teka galing ng hula niya ah.

"Mahipan ka ng hangin mabaliw ka pa diyan." Napatingin ako kay Matthew na nang-aasar na naman. Hindi ko na lang siya pinansin at binalik ang tingin sa cellphone. Nawala 'yong ngiti ko ng mabasa ko na mga text ni Josh.

Josh: (113 missed calls, a lot of messages)

-"Where are you? Kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinasagot."

-"Babe, sa'n ka ba we're worried? Sabi naman ni Dhesa nakauwi ka na kanina pa."

-"Damn it! Nasa'n ka ba talaga?"

Marami pa'ng mga messages pero hindi ko na lang binasa. Galit na galit siya ano ba 'yan. Paano ako magpapaliwanag ngayon? Para tuloy akong bata'ng natatakot sa nanay niya dahil hindi nakapag-paalam na hindi makakauwi ng isang gabi.

"Mag-isip ka na ng alibi mo." Sinimangutan ko si Matthew.

"Hindi ka nakakatulong."

Nahuli ko siya'ng napangiti kaya mas lalo akong nairita.

Tinigil na ni Matthew ang kotse sa may harap ng bahay namin mga ilang minuto ang nakalipas. Nakikita ko sa rear vision ko na nakatingin siya sa akin.

"Huy! Diyan ka na lang ba?"

"Bababa na nga, 'di ba?"

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumaba na nga lang. Meron naman akong susi ng gate eh.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon