Chapter 74: Birthday Party Part 2: The Real Party

307 11 2
                                    


FARRAH'S POV

Nagbibigay na ng introduction 'yong emcee na gay at lahat ng atensyon ng mga guests ay nasa kaniya. Nasa unahan lang kami malapit sa may stage at hinihintay na tawagin ng emcee ang paglabas ni Sarrah. Tiningnan ko si nanay na kababakasan rin ng saya. Nasa tabi niya lang si Tita Adela, si King naman ay kasunod nito gano'n din si Kelly.

Naramdaman ko ang presensiya ni Matthew sa tabi ko na kalalapit lang sa 'kin. Tiningnan ko siya na nakangiti lang sa 'kin kaya ginantihan ko siya. Pinagmasdan ko 'yong mga guests na masasaya rin at naghihintay lang sa pagpasok ni Sarrah para tuluyang simulan ang party. Nasilip din ng paningin ko si Christel at si Josh na nakatingin din pala sa 'kin pero hindi ko na lang pinansin at nakinig na lang sa emcee.

"And now, let us all welcome the debutant, Ms. Sarrah... Sotto."

Nagsipalakpakan kami habang si Sarrah naman lumitaw na at dahan-dahang bumababa sa mahabang hagdan. Lahat ay nakatingin sa kaniya. She's very beautiful lalo na at nakangiti siya. Dati-rati ang liit-liit lang niya na parang si Aldice at ngayon dalaga na. Tiningnan niya kami kaya nginitian ko na din siya. Lumapit na si King sa may ibaba ng hagdan at hinintay doon ang pagbaba ni Sarrah. Hindi ako galit kay King kahit kapatid pa siya ni Christel kasi wala namang kasalanan 'yong bata.

SARRAH'S POV

Paglabas ko flash ng mga cameras ang kaagad na bumungad sa akin. Tiningnan ko 'yong mga bisita, sina nanay, sina ate Farrah, si kuya Matthew, si ate Jade, si Kelly at si King na naghihintay sa 'kin sa ibaba. Ang saya ko na nakikita ko sila'ng lahat dito habang malawak na nakingiti at nakatawa. Lahat sila pumapalakpak sa'kin. Nang makalapit na ako kay King iniangat niya ng bahagya ang braso niya saka ko naman ikinuwit ang kamay ko.

"You're so beautiful tonight." Mahinang sabi niya.

Bigla naman akong kinilig kahit papaano. Dinala niya ako sa may stage. Tumigil na sa pagpalakpak 'yong mga bisita. Tumayo lang sa tabi ko si King habang ako ay pinaupo sandali sa malambot at magandang upuan na may palamuti pa. Feeling ko para akong prinsesa. Maya-maya nagsalita ulit 'yong emcee.

(AN: I have my own setup of party, lol😃)

"Wow! What a beautiful young lady. Now, let's proceed to the real party. The debutant's dance with her roses."

Pinatay na 'yong ibang ilaw kaya medyo madilim na dito pero hindi naman sobra dahil may colorful lights pa ring naka-on. Napansin kong wala na pala si King sa may tabi ko. Nag-play na rin ang sweet music na tinutugtog nitong mga violinist. Nakita ko si Kuya Matthew na papalapit sa'kin. Mostly mga classmates ko lang sila'ng lahat maliban nga kay kuya Matthew, kay King, at kay kuya Josh. Yes, he's one of my roses kasi kahit papaano naging mabuti siya sa'min dati.

"May I have this dance, beautiful?"

Napatawa na lang ako kay kuya Matthew na maluwang na nakangiti sa'kin. Inabot ko na ang inaabot niyang rose at saka sumama sa kaniya sa baba ng stage. Nasa gitna na kami ng mga bisita ngayon while sila nasa gilid lang at nakatingin sa'min. Nagsimula na kaming magsayaw ni Kuya Matthew.

"Honestly, ang ganda mo talaga ngayon, Sarrah."

"Kuya Matthew naman eh nanloloko pa." Napatawa kami pareho.

"Totoo naman eh. I'm pretty sure in love na sa'yo si King."

"Kuya naman eh."

"Nagba-blushed ka na oh." Napangiti na lang ako sa pang-aasar niya.

"Ang gwapo mo nga rin ngayon kuya Matthew eh. No'ng papalapit ka sa'kin akala ko si Daniel Padilla na 'yong makakasayaw ko."

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon