Chapter 27: Unexpected surprise

613 16 0
                                    

FARRAH'S POV

"Sarrah, hindi ka papasok?"

"Ate, wala kaming pasok may seminar mga teacher namin eh."

"Okay, alis na ako."

"Wait, ate!" Hinila niya ako sa may mesa.

"Kumain ka muna bago ka pumasok."

"Nanay the second ka ba?"

"Pwede."

Madalian na lang ako'ng kumain at uminom ng tubig.

"Aalis na ako."

"Sige ate good luck mamaya."

"Ano?"

"Mali-late ka na." Umalis na ako kahit gusto ko pa siya'ng tanungin.

"Class, meron tayong group activity ngayon," sabi ng teacher namin sa Understanding the Self.

Ewan ba kung bakit meron pa rin kami nito ngayon. May mga bilog na babasagin na nasa mesa at may tubig sa loob. Meron din ito'ng mga designs at may lumulutang sa loob. Hindi ko alam kung ano ang mga 'yon.

"Okay group yourselves into six then go to your respective group."

Tumayo na ako at pumunta sa mga kagrupo ko. Bawat grupo ay binigyan ni sir ng mga babasaging sirkulo.

"Pagmasdan niyo ang bagay na 'yan. Isipin niyong kayo 'yong bagay na nasa loob at pagkatapos sa isang papel ay isulat ninyo ang inyong reflection. Pwede niyong hawakan o alugin pero 'wag niyo lang babasagin ha. Magsimula na kayo."

"Ikaw naman, Farrah."

Natapos na lahat 'yong mga ka-group ko at ngayon ako na nga ang huling titingin. Kinuha ko ang bilog na 'yon at nagsimulang mag-reflect. Maya-maya nagulat ako ng bigla na lang may pumutok na kung ano sa labas ng room kaya nagulat talaga ako. Naalala ko kasi 'yong panaginip ko kagabi. Dahil do'n kaya nabitawan ko ang hawak ko. Lahat ng kaklase ko ay nagsitinginan sa akin.

"Sorry." Kinuha ko 'yong mga piraso ng nabasag.

"Anong nangyari diyan? Kakasabi ko lang na ingatan niyo, 'di ba? Bitawan mo na 'yan baka masugatan ka, Farrah."

"Aray."

"Ms. Sotto are you, okay?"

"Sir dumudugo po ang kamay ni Farrah." Kinuha ni sir ang kamay ko at sinuri.

"Maliit lang po 'to sir." Hindi niya ako pinansin.

"Tawagin niyo ang nurse. Kumuha kayo ng first aid kit bilis. Lumayo kayo sandali baka masugatan pa kayo."

Bumalik naman agad ang kaklase ko at may kasamang nurse. Ginamot na no'ng nurse ang sugat ko at tinapalan ng bandage. Hindi naman siya masyadong malaki madugo lang talaga kasi malalim ang pagkakahiwa. Nag-start na ulit ang klase pero hindi na ako ulit pinasali ni sir. Pina-assignment niya na lang sa akin. Ang clumsy ko naman ngayong araw.

After dismissal dumiretso ako sa cafe ni Ms. Jade kaya lang pagdating ko doon hindi naman bukas ang cafe. Ngayon lang siya nagsara nito at hindi man lang niya ako nasabihan. Baka naman may pinuntahan lang siya. Dahil wala naman siya dito tumuloy na lang ako sa condo ni Matthew. Pagpasok ko sa loob wala ng mga gamit dito at ibang iba na ang ayos. Lumabas ako ng kwarto.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon