Chapter 16: Best medicine: YAKAPSULE

784 22 0
                                    

FARRAH'S POV

Dahil napagod na ako sa kakalakad kaya naupo muna ako sa nakita kong naka-circle na sementong bangko. Malapit lang naman 'to sa may kalsada kaya madali akong makikita ni Sarrah. Isa pa nasa ilalim naman ng puno itong bangko. May ilan-ilan ding nakatambay sa lugar na 'to. Bigla kong naalala ang sinabi ni Matthew dati.

******

"She's not my girlfriend."

"Eh sino po 'yon?"

"My ex."

******

"Fiance niya pala ang babaeng 'yon ex daw. Hmp, bakit hindi ko kaagad naisip? Aghh! Nakakainis siya."

"Kung naiinis ka sa akin 'wag ang cellphone ang pagbalingan mo." Napalingon ako kay Matthew na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa kinaroroonan ko.

"Bakit ka lumabas may sakit ka 'di ba? Gusto mo bang tumaas lalo 'yang lagnat mo?"

"Let's go." Kinuha niya 'yong kamay ko.

"Uuwi na ako sa bahay kaya bumalik ka na sa condo mo."

"I said let's go." Hinipo ko ang noo niya at ang init niya ulit kumpara kanina.

"Bumalik na naman ang lagnat mo ang tigas kasi ng ulo. Bumalik ka na sa condo may mag-aalaga naman na sayo do'n." Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin at ngayon ay naglalakad na kami pabalik sa condo niya. Manghila na lang ba.

"Matthew." Nang makarating kami sa condo hindi ko na nakita si Christel.

"Pinaalis ko na siya." Napansin yata niya na hinahanap ko si Christel.

"Bakit? Pinaalis mo 'yong fiance mo?"

"She's not my fiance."

"Ano?"

"It's a long story, Farrah. Yes, she's my fiance before but now we broke up, believe me."

"Hindi mo kailangang mag-explain sa akin." Nag-ring ang cellphone na hawak ko kaya tinalikuran ko muna si Matthew at sinagot ang tawag ni Sarrah.

{ "Ate nandito na ako nasa'n ka ba?" } Bago ko sagutin ang tanong ni Sarrah sinulyapan ko muna si Matthew na naka-upo na sa sofa at nakasandal habang hawak ang ulo.

"Bumalik ka na lang ulit sa bahay Sarrah ha. Sorry, kasi nilalagnat pa si Matthew."

{ "Hay naku okay lang naman ate." }

"Uy uy mag-iingat ka pauwi ha. Iwasan mong makita ka ni nanay, ok."

{ "Okay ate. Sige, alagaan mong mabuti si kuya Matthew ha." } Tinawanan pa niya ako bago ibaba ang cellphone. Baliw na 'yon nang-asar pa. Lumapit ako kay Matthew na nakapikit na.

"Kung gusto mong magpahinga do'n ka sa kwarto mo." Nagmulat naman na siya at tumayo.

"Kumain ka na ba?"

"Tapos na."

"Good."

"Tumaas na naman ang lagnat mo kaya halika na sa kwarto mo para malagyan kita ng bimpo sa noo." Nauna na akong nagpunta sa kwarto niya. Nilagay ko ang cellphone ko sa bag at kinuha naman ang kay Matthew.

"Oh." Nangunot naman ang noo niya. Marahil nagtataka siya kung bakit nasa akin 'yon.

"No'ng nalasing ka binigay sa akin no'ng nagmalasakit sayo kaya lang kanina ko lang 'to napansin dito." Kinuha niya sa akin ang cellphone at pinatong lang sa may lampshade table. Ako naman ay binasà ulit ang bimpo.

"Mahiga ka na para malagyan kita ng bimpo."

"Uuwi ka pa rin?"

"Nagpaalam na ako kay nanay at sabi niya samahan na lang daw muna kita dito hanggat may lagnat ka pa."

"Let's sleep I'm tired."

"Sige lang ikaw na ang matulog."

"Come on let's sleep, Farrah."

"Saan ako matutulog?"

"Sa tabi ko."

"Tigilan mo 'ko. Mahiga ka na diyan heto ang bimpo ilagay mo sa noo mo." Kinuha ko 'yong cellphone ko bago lumabas ng kwarto. Naupo na lang ako sa sofa. Baliw na talaga si Matthew.

"Kung ayaw mo akong makatabi sige na ikaw na lang ang matulog sa kwarto ako na lang dito sa sofa." Tiningnan ko si Matthew.

"Hindi nga ikaw na lang sa kwarto mo. Sige na bumalik ka na sa loob."

"No. Ako na lang ang matutulog dito." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ang kulit niya.

"Sige na nga sige na. Alam mo pasalamat ka may sakit ka kasi kanina pa sana kita nabatukan."

"Ang arte mo kasi."

"Ako pa ikaw nga 'tong makulit."

"Let's go." This time siya naman ang nauna sa akin. Hindi ba siya nahihilo?

"May extra blanket at unan ka pa ba dito na lang ako sa ba--" Naputol ko ang sasabihin ko ng hilahin niya ako pahiga sa kama.

"Ang dami mo pang sinasabi." Hindi ako makapagsalita at hindi rin ako makagalaw. Nakakabingi ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas. Ang lapit lang kasi sa akin ni Matthew tapos nakayakap pa siya. Ano bang ginagawa niya we're not mag-jowa, okay.

"Matthew."

"Why?"

"B-Baka mahawaan mo 'ko ng lagnat."

"Hindi kita mahahawaan at  gagaling pa nga ako dahil sa gamot na 'to."

"Anong gamot?"

"Yakapsule." Hindi na ako nakapagsalita dahil naiilang talaga ako. Bakit ba parang wala lang 'to sa kaniya? Corny niya pa.😄

_____________________________________________________

Lovelots💙 Please VOTE, FOLLOW my account and SPREAD the story.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon