Chapter 8: Who's that girl?

932 27 0
                                    


FARRAH'S POV

Nang makapasok ako sa loob ng bahay namin ay sa silid agad ako ni nanay nagtuloy.

"Bakit gising pa po kayo, 'nay." Lumapit ako sa kaniya at nag-mano.

"Ikaw naman parang hindi ka na nasanay alam mo namang palagi kitang hinihintay. Nag-aalala ako sa iyo eh."

" 'Yon na nga po 'nay alam ko pong nag-aalala kayo sa akin pero mas isipin niyo po ang kalagayan niyo. Kaya ko na po ang sarili ko."

"Kahit na hindi ko pa rin maalis ang pag-aalala ko sa iyo. Siya nga pala sino 'yong naghatid sayo?"

"Teacher ko po 'nay."

"Si Matthew ba, 'nak?"

"Kilala niyo po siya?"

"Oo, kasi nagpunta siya dito kahapon at hinahanap ka. Pinaliwanag ko naman na sa kaniya kung bakit hindi ka minsan nakakapasok. Napakabait niya at napaka-gwapo pa."

"Hindi po 'yon mabait, 'nay"

"Huwag kang judgemental anak hindi mo pa siya ganoon kakilala." Sabagay tama naman talaga si nanay.

"Kumain na po ba kayo, 'nay? Ininom niyo na po ba ang mga gamot niyo?"

"Oo tapos na. Ikaw kumain ka na ba?"

"Opo."

"Siya sige pumunta ka na sa kwarto mo at nang makapagpahinga ka naman."

"Sige po 'nay good night po." Hinalikan ko siya sa pisngi at umalis na rin. Nagtuloy na ako sa sarili kong silid. Saka ko na lang siguro sasabihin sa kaniya ang inaalok sa akin ni Sir Matthew. Hay sir Matthew nakakainis ka.

Dahil nga saturday ngayon wala na akong ibang pinuntahan kundi sa bahay lang. Nilinis namin ng aking mga kapatid ang buong bahay at pagkatapos ay naglaba naman ako ng mga nasuot naming damit. Manananghalian na ng matapos ako kaya kunting pahinga lang at nagluto naman ako ng tanghalian.

"Luto na ang pagkain, let's eat." Anas ko sa dalawa kong kapatid at kay nanay na kinukulit ng bunso kong kapatid na si Aldice.

"Yehey! Ate Farrah buhatin mo 'ko."

"Ang arte mo Ading ha pagod si ate papakarga ka pa diyan. Ako na lang kakarga sayo."

"Dahan-dahan lang Sarrah mahulog 'yang makulit na 'yan." Ako naman ay tinulungan si nanay na makapunta sa hapag-kainan. Meron naman kasi siyang wheelchair kaya hindi ko na siya kailangan pang buhatin.

" Siya nga pala 'nay may sasabihin po sana ako sa iyo." Sabi ko kay nanay habang kumakain kami.

"Ano 'yon, anak?"

"Si Sir Matthew po kasi inaalok niya ako na mag-part time sa kaniya. Maglilinis lang po ako ng bahay niya kasi wala siya palagi kaya hindi na niya nagagawang maglinis."

"Ok lang sa akin kaya lang baka naman wala ka ng pahinga may trabaho ka pa sa food chain, 'di ba? Anak, 'wag mo naman masyadong pagurin ang sarili mo. Kung sana nakakalakad na ako eh di sana ako ang nagtatrabaho at hini ikaw."

" 'Nay, ayan na naman po tayo sa dramang 'yan hindi naman po ako nagrereklamo eh. Okay lang po sa akin. Pamilya po tayo kaya dapat magtulungan, 'di ba? Huwag na po kayong mag-isip ng kung ano ano."

"Tatanggapin mo ba ang offer ni Sir Matthew?"

"T-Tinanggap ko na po."

"Ate pansin ko lang parang concerned palagi sayo si Sir Matthew. Hindi kaya..."

"Huy, huy, kumain ka na lang diyan, Sarrah. Malisyosa ka rin eh 'no."

"Opinion lang naman ate eh."

"Okay lang naman kung ligawan ka ni Sir Matthew, Farrah wala namang masama doon eh. Isa pa mabait naman ang batang 'yon kahit isang beses ko pa lang siyang nakakausap."

" 'Nay isa pa naman po kayo eh. Tigilan niyo nga po 'yan."

"Oh bakit? Basta in case na ligawan ka ni Sir Matthew ok lang sa akin."

"Ok lang din po sa akin." Sinimangutan ko si Sarrah na kumindat lang naman sa akin.

''Sa akin din po.'' Napatawa kami sa sinabi ni Aldice. Para namang alam niya ang pinag-uusapan namin.

Nagpaalam na ako kay Nanay para pumunta naman sa condo unit ni Sir Matthew. Nasabi ko na rin nga pala sa kaniya na umalis na ako sa food chain at ayos lang naman sa kaniya. Tumuloy na ako sa loob tutal may duplicate naman ako kaya wala ng hassle. Kaya lang napamulagat talaga ako ng makapasok ako sa loob at mabungaran ko si Sir Matthew at isang babaeng nakaibabaw sa kaniya at agresibo siyang hinahalikan. Bigla akong nahiya kaya napatalikod na lang ako. Napansin na rin yata nila ang presensiya ko kaya napatigil na ang dalawa sa ginagawa nila.

"S-Sorry po sir hindi ko alam na m-may ginagawa po pala kayo." Sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kanila.

"Sino ba siya, Matthew?" Naiinis na tanong no'ng babae.

"Pasensiya na po aalis na po muna ako, sir." Nagsimula na akong maglakad paalis.

"Wait, Farrah. Don't move. Stay here and that's an order." Napaharap ako ulit sa kanila.

_____________________________________________________

Oh! Taray ni boss Matthew ah. Parang militar lang ang peg?😂😂😂

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon