Chapter 70: Stealing the Last Hope

269 10 0
                                    

SARRAH'S POV

"Ha-ha-ha! Eh, ate Farrah wala naman po akong planong mag-boyfriend eh."

"Ah talaga tatandaan ko 'yan ha."

"Pero syempre kapag dumating na po siya pwede na."

"At sino'ng 'siya' naman 'yon?"

"Wala pa po."

"Ha-ha! Uy! Kabata-bata mo pa 'yan kaagad ang iniisip mo ha. Kumain na lang."

Nakikinig lang ako sa kanila na kanina pa nagtatawanan. Kumakain nga pala kami ngayon ng dinner. Iniisip ko kung ano'ng mangyayari kapag pinakita ko na kay Kuya Matthew ang SD card. Makakaalala na kaya siya?

"Huy, Sarrah." Napatingin ako kay ate Farrah.

"P-Po ate?"

"Anong nangyayari sa 'yo at parang lutang ka diyan?"

Napatingin na rin sa 'kin si Kuya Matthew at sina nanay.

"Po? Wala po ate. May iniisip lang po ako."

"Ano 'yon? May problema ka ba sa school? May nangbu-bully ba sa 'yo? Sabihin mo lang at pupunta ako do'n bukas na bukas din."

"Wala po ate. Wala po akong problema sa school."

"Eh, ano ang iniisip mo?"

"Si Kuya King po ba ate Sarrah?" Inismiran ko si Aldice na tumawa lang sa akin.

"May problema ka ba 'nak?"

"Wala po nanay." Tiningnan ko si Kuya Matthew.

"Kuya Matthew, ano po'ng sabi ng doctor mo makakaalala ka na raw po ba?"

"No'ng last consult ko sa kaniya ang sabi makakaalala raw ako kaya lang medyo magtatagal pa pero..."

"Pero po?"

"Pero mas madali raw akong makakaalala kung makikita ko 'yong mga bagay na may kinalaman sa nakaraan ko."

Makakatulong talaga ang SD card. Napangiti ako ng bahagya.

"Kaso wala naman akong mga remembrance na naitabi like pictures or anything that's why nahihirapan akong makaalala."

"Magandang idea talaga na dito ka tumira Matthew kasi unti-unti may bumabalik na sa mga alaala mo."

"Tama ka Farrah."

"Kaya mag-iingat na kayo sa susunod ha. 'Yang pagmamaneho na 'yan napakadelikado talaga. Kaya itong si Farrah no'ng naaksidente naku para akong mahihimatay," singit ni nanay.

Hindi na ako makapaghintay na ibigay kay Kuya Matthew ang SD card kaso itong si King kailangan ko pa sa kaniyang ipakita.

Tapos na kaming kumain at ngayon ay nasa kitchen na ako.

"Ahm...Sarrah."

Napahinto ako sa paghuhugas ng plato at tiningnan si kuya Matthew. Ako kasi ang tuka sa paghuhugas ng pinggan after dinner.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon