Chapter 17: Cought texting

798 29 0
                                    

FARRAH'S POV

Marahan kong inalis ang kamay ni Matthew na nakayakap sa akin. Nakatulog na kasi siya kaya tumayo na ako at inayos ito ng higa. Hinipo ko ang noo niya at medyo wala naman na ang lagnat hindi gaya kanina. Lumabas ako ng kwarto at sa sofa natulog super antok ko na rin kasi talaga. Paghiga ko sa sofa inagaw naman kaagad ng antok ang sistema ko.


MATTHEW'S POV

"Farrah?"

Nilibot ko ng tingin ang buong silid pero hindi ko nakita si Farrah.

Nasaan na siya? Umuwi na kaya siya?

Kaya lang nakita ko naman 'yong mga gamit niya dito sa mesa kaya ibig sabihin ay narito pa siya. Nakatulog lang ako nawala na kaagad ang babaeng 'yon.

Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Pagdating ko dito sa sala nakita ko siyang nakahiga sa sofa at nahihimbing sa pagtulog. Napuyat siguro siya sa kakaalaga sa akin. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto ko. Hiniga ko sa kama si Luna at nilagyan ng blanket. Naupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. I admit she's very beautiful and she looks like an angel. I really do like Farrah. Tumayo na ako at kumuha ng extra blanket at pillow saka lumabas. Ako na lang ang matutulog sa sofa tutal mababa naman na ang lagnat ko.


FARRAH'S POV

Napaunat ako sa pagkakatulog pero hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko. Ang sarap matulog kasi ang lambot-lambot nitong hinihigaan ko. Nang magmulat ako nabungaran ko si Matthew na nakangiti sa akin. Pinikit ko ulit mga mata ko pero andito pa rin siya.

"Matthew? Ano'ng ginagawa mo dito?"

"It's my room." Gosh! Naalala ko nga pala na inalagaan ko siya kagabi.

"Anong oras na?" Napatayo na ako at nag-ayos ng sarili.

" Seven."

"Uuwi na ako." Kinuha ko na ang bag ko at lumabas.

"Wait." Hinarap ko siya. "Let's eat first, nagluto na ako ng almusal."

"Hindi na sa bahay na lang ako kakain. Sige ba-bye."

"Farrah. Ihahatid na kita."

"Ako na lang kaya ko na 'to." Narinig kong tinatawag pa niya ako pero hindi ko na lang siya pinansin. Sabi ko uuwi ako ng maaga pero hindi ko na namalayan ang oras.

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si nanay sa sala. Lumapit ako sa kaniya at nag-mano.

"Kaawaan ka ng Diyos. Kumusta si Matthew anak?"

"Sinisinat na lang po, 'nay. Si Sarrah at Aldice po?"

"Si Sarrah pumasok na tapos si Aldice naman tulog pa sa kwarto namin. Mag-almusal ka na anak."

"Maliligo na po ako 'nay late na po ako eh."

"Sige pero kumain ka, 'nak."

"Opo." Naligo na muna ako dahil may pasok pa ako ng alas otso. Matapos kong makapagligo hindi na rin ako kumain. Nagpaalam na ako kay nanay saka umalis na.

Nasa gate pa lang ako nakita ko na si Josh na nakatayo doon. Parang may hinihintay siya kasi tingin ko mukhang kanina pa siya nakatayo at nakasandal do'n. Lalampasan ko na sana siya ng mapansin niya ako.

"Hey, Farrah wait." Napahinto ako.

"Josh. Ikaw pala 'yan. Anong ginagawa mo diyan?"

"I'm waiting for you."

"Sa akin? Bakit mo ako hinihintay?"

"W-Wala lang. After ng first class mo may vacant ka na two hours pwede labas tayo? Kakain lang."

"Huh? May gagawin yata ako no'n eh."

"Sige na, please. Remember, nag-promise ka sa akin kahapon."

"Sige na nga wala talaga akong lusot sa'yo."

"Syempre. Sige see you later. Ihahatid na kita sa klase mo."

"Hindi na Josh kaya ko na 'to, ok."

"Sige na 'wag ka ng mahiya sa akin."

" 'Wag na nga ang kulit mo talaga." Pareho kaming natigilan ni Josh ng may magbusinang kotse sa likod namin. Napaharap kami at nakita kong si Matthew pala 'yon na nakatingin sa amin.

"Sorry, sir." sabi ni Josh at hinawakan ang kamay ko saka ako hinila sa tabi. Napansin kong matamang nakatingin si Matthew sa kamay ni Josh na nakahawak sa akin. Bigla ko namang tinanggal ang kamay niya.

"Sorry." Hinging paumanhin ni Josh pero nginitian ko lang siya.

"Sige mauna na ako sa'yo mali-late na ako eh." May sinasabi pa siya pero hindi ko naman na naintindihan.

Pagdating ko sa classroom ay wala pang instructor pero ilang minutes lang ay dumating na rin ito. Nagsimula na ang klase at ako naman ay nakikinig lang sa mga sinasabi niya. Naipilig ko ang ulo ko ng bigla kong makita si Matthew sa kaniya.

Ano ba'ng nangyayari sa akin?

Kinuha ko ang cellphone ko ng marinig kong may nag-message. Kinubli ko sa ilalim ng mesa ang cellphone baka makuha pa kasi ni sir mahirap na.

[ "You're enjoying his company, right?" ] Galing kay Matthew. Hindi siya jeje mag-txt ha same kami. Pero teka si Josh ba ang tinutukoy niya?

[ "Sino?" ]

[ "That Josh guy." ] Sabi na nga ba si Josh tinutukoy niya eh.

Nagsiselos ba siya? Huwag assuming.

[ "Mabait naman siya eh." ]

[ "Hindi mo pa nga siya kilala eh." ]

[ "Ano naman kung hindi ko pa siya kilala may problema ka ba do'n?" ]

[ "Nevermind." ]

[ "May klase ako pwede 'wag mo 'kong istorbohin?" ]

[ "I don't care." ]

[ "I care." ]

[ "Whatever." ]

"Ms. Sotto." Napatingin ako sa tumawag sa akin na si sir pala.

"Sir?"

"You're not listening."

"I'm sorry, sir."

"Are you using phone in my class?"

"Po?"

"Give me your phone." Binack ko agad ang cellphone ko baka makita pa niya ang convo namin ni Matthew. Mabuti na lang at iba ang name niya do'n. Binigay ko na sa kaniya ang cellphone ko. Dahil sa nangyari nagsermon na lang si sir sa amin. 'Yong mga kaklase ko naman na gumagamit din ng cellphone kanina naitago agad. Bakit ako pa ang nahuli? Nakakainis si Matthew nag-txt pa kasi. Ang malas talaga niya.

_____________________________________________________

PLEASE VOTE, LIKE AND LEAVE SOME COMMENTS.💙

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon