Chapter 51: New character

504 12 3
                                    


FARRAH'S POV

"Good morning ma'am! Welcome back po." Bati sa akin ng ilang empleyada na nakakasalubong ko. Hanggang sa makarating ako sa may office ko lahat sila maluwang na nakangiti at binabati ang pagbabalik ko. Honestly, medyo close ko sila dito.

"Salamat sa inyo'ng lahat, specially sa mga dumalaw at nagpadala ng message nila para gumaling ako agad. Salamat."

Iniwan ko na sila at nagtuloy sa office ko. Confetti ang sumalubong sa akin at may tarpaulin pa. May ilang staff din dito.

"Tada! Welcome back, ma'am Farrah. Welcome back, ma'am Farrah. Welcome back po, ma'am Farrah. Yehey! Welcome back, ma'am Farrah. Na-miss po namin kayo." Natawa ako sa kanta ni Dhesa.

"Thanks, Dhesa. Na-miss din kita kaya pwede gawan mo ako ng coffee?" Nagkakatawanan naman kami.

"Yes naman po."

"Just kidding."

"Mabuti naman po at magaling na kayo, ma'am Farrah." Simpatya ng isang staff.

"Oo nga eh salamat sa inyo'ng lahat."

"Okay may kunting pagkain po kaming hinanda para sa 'yo ma'am Farrah. Let's eat."

"Wow! Nag-abala pa talaga kayo, huh, anyway thank you guys."

Nakaalis na sila matapos makakain at kami na lang ni Dhesa ang nasa office. Naupo na lang muna ako sa aking swivel chair.

"Ma'am Farrah, pinagri-report nga po pala kayo ni Director Gerald Rodriguez. ASAP."

"Okay."

Tumayo na ako at pumunta sa office of directors. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Come in."

"Good morning, sir."

"Oh Farrah. Come in. Welcome back!"

"Thank you po, sir."

"Have a seat" Naupo ako sa tapat ng table niya.

"How are you? Pasensiya nga pala dahil hindi na ako nakadalaw sa 'yo personally kasi naging busy ako dito sa opisina."

"Okay lang po sir thanks nga po pala sa bulaklak na pinadala niyo."

"You're welcome. Anyway, you shouldn't miss out our meeting at 3 PM, okay?"

"Yes, sir."

"Okay ka na ba talaga, Farrah? Don't force yourself if you can't, okay?"

"Thanks to your concern sir. Kayang-kaya ko na po talaga." Tinawanan niya lang ako.

"Good. Keep up the good work." Tumayo na ako at nagpaalam na sa kaniya.

"Farrah."

"Yes, sir?"

"I am congratulating you in advance. Don't miss the meeting, okay?"

Nagtaka ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang pinansin.

"Opo, sir. Sige po."

Nakarating na ako at lahat sa office ko pero nasa isip ko pa din 'yong sinabi ni sir Gerald.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon