Chapter 69: Small World + Proof

281 8 0
                                    

FARRAH'S POV

"Ma'am Farrah, may naghahanap po sa 'yo."

"Sino?"

"Hindi ko po alam eh. Nasa labas po siya kausap ni Dennis." Napatayo na ako at lumabas.

"Kilala niya ako, okay," turan ng kausap ni Dennis.

Napatingin siya sa 'kin no'ng binuksan ko ang pinto ng office ko. Pinagmasdan ko siya at habang naaalala ko kung sino siya ay nangunot ang noo ko. I can't believe na makikita ko ulit siya after so long years ago.

"Hi, Farrah! Long time no see."

"C-Christel?"

"Yeah, it's me. Surprised?"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Honestly, nabalitaan ko na dito ka pala nagtatrabaho kaya bumisita lang ako."

"Bakit kailangan mo'ng bumisita dito? May sakit ba ako?"

"Ah sorry ha mukhang hindi mo yata nagustuhan ang pagbisita ko."

"Christel, narito ka pala, ija." si Director.

"Yes, ninong." Nagulat ako.

"Director Gerald, good morning sir."

Ninong? Ninong niya ang director?

"Oh, Farrah, good morning din. Siya nga pala na-meet mo na pala 'tong anak ng president nitong company natin."

"Anak ng president po sir?"

"Yes. Meet Christel Atienza, daughter of President Harold Atienza."

"WHAT? Anak siya ni President Harold? Paano nangyari 'yon? Ang liit naman ng mundo namin." Nasabi ko na lang sa isip ko.

"Small world, 'di ba Farrah? Nagulat nga rin ako eh no'ng nalaman ko na dito ka pala nagtatrabaho sa company namin. Anyway kita-kits na lang tayo next time because for now I have to go."

"Ihahatid na kita palabas, ija."

"Thanks, ninong."

"Siya pala 'yong sinasabi nila na anak ni President Harold? Ang ganda pala niya."

Naguguluhan ako. Bakit bigla siya'ng nagpakita sa 'kin ulit? Hindi maganda ang pakiramdam ko. Siya pa talaga ang anak ng President namin.


MATTHEW'S POV

"Ha-ha! 'Wag mo na lang problemahin si Christel pare."

"Paano'ng hindi eh nagkakagulo ang buhay ni Farrah ngayon at baka nga siya pa ang may kagagawan."

"Posible din kasi base sa kwento mo baka nga siya 'yong nagbabanta kay Farrah. Kung siya nga grabe naman pala talaga si Christel."

"Sobra. Hindi natin alam kung ano pa ang pwede niya'ng gawin."

"Alam mo bilib din naman ako diyan sa ex mo grabe kung manghabol. 'Yong totoo ginayuma mo ba 'yon?"

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon