Chapter 45: New nurse

515 15 0
                                    


FARRAH'S POV

"Umalis ka na dito, Josh."

Kami lang dito sa kwarto kasi sila nanay lumabas muna para naman daw makapag-usap kami. Nasabi na sa akin ni nanay na madalas din raw dumalaw dito si Josh no'ng wala pa akong malay.

"Babe, please, let me explain. I didn't mean to hurt you, okay? I'm sorry dahil sa akin napunta ka sa situation na yan. Sana ako na lang 'yong nakahiga diyan."

"Wala ka ng magagawa nangyari na 'to. Umalis ka na lang, please."

Kinuha niya ang kamay ko. Nagsimula na rin siya'ng umiyak pero hinayaan ko lang siya at sa ibang direksyon ako tumingin.

"Babe, give me another chance please. I love you and I can't stand without you. Please! Nagsisisi ako sa nangyari kaya, please, forgive me, babe."

"Hindi kita kaya'ng harapin ngayon, Josh. Leave me alone, please?"

Binitawan niya ang kamay ko at nagpunas ng luha niya.

"Dadalaw na lang ako ulit bukas."

Hindi ko na lang siya pinansin. Hinintay ko na lang na lumabas siya. Pumasok naman na si nanay at naupo sa tabi ko.

" 'Nak, ayos ka lang ba?"

"Tama ba 'tong gagawin ko, 'nay?"

"Kung ano 'yong alam mo'ng makakabuti sa inyo ni Josh ikaw lang makakapagsabi no'n. Gawin mo lang anak kung ano ang tama at kung magkamali ka man 'wag na 'wag mong pagsisisihan 'yon. Andito lang kami ng mga kapatid mo para sa 'yo."

"Ate, may bisita ka."

Napatingin ako sa kakapasok lang na si Aldice kasama si Matthew. Napangiti ako deep inside dahil dinalaw niya ako ulit.

"Hindi mo kasama si Jaiah?"

"Hindi eh baka kulitin ka na naman kasi dito."

"Okay lang naman 'yon Matthew maganda nga at may mangungulit kasi naiinip na ako dito."

"Sa susunod ko na lang siya isasama pero sa bahay niyo na."

"Ha?"

"I mean hindi ka naman magtatagal dito di ba kaya siguro pag nag-aya na naman 'yong bumisita baka nakalabas ka na dito."

"Ah. Oo naman pwede kayo'ng dumalaw sa bahay."

"Ate Farrah, kailangan na namin umuwi 8 PM na rin kasi may pasok pa kami ni Aldice bukas."

"Sige ingat kayo'ng dalawa. Si nanay nasaan na ba?"

"May binibili lang sa labas, oh, ayan na pala si nanay eh."

"Bakit 'nak? Bumili lang ako ng gamot na pinabibili ni doc. Pauwi na ba kayo?"

"Opo, 'nay, maaga pa po pasok namin ni Ading eh."

"Siya sige umuwi na kayo ng bahay. Mag-iingat kayo'ng dalawa, Sarrah, 'yang kapatid mo."

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon