Chapter 25: Surprise plan

667 15 0
                                    


MATHEW'S POV

Sa akin na lang muna ulit ang camera. It's me Matthew. Yes, nag-resign na talaga ako kanina. Know why? Dahil aamin na ako kay Farrah. I'd like to court her and spend some time with her. Isa pa sa dahilan kaya ako nag-quit ay para maasikaso ang aming mga negosyo na medyo napapabayaan na rin ni ate Jade. Ito na lang kasi ang naiwan ng mga magulang namin noon at hindi naman pwedeng pabayaan ko na lang. I promised Farrah that tomorrow will be so special. I love her so much.

"Kuya Matthew, okay na ba sa 'yo ang set up dito?" tanong ni Sarrah sa akin.

Yep, kasama ko siya kanina pa kasi nagpatulong ako sa kaniya at hindi naman niya ako tinanggihan.

"It's perfect. Tingin mo magugustuhan kaya 'to ng ate Farrah mo?"

"Oo naman kuya hindi naman maarte 'yon eh. For sure masu-surprise 'yon ng sobra."

"Sa tingin mo sasagutin niya kaya ako?"

"Kinakabahan ka ba, Kuya? Don't worry ako na ang magsasabi sa 'yo sasagutin ka ni ate Farrah. Mahal ka na kaya no'n."

"Totoo?"

"Opo. Kuya, selfie muna tayo pero promise hindi ko muna 'to ipapakita kay ate kahit na-i-excite na ako."

"Sige ba."

Kumuha siya ng mga ilang shots. Maya-maya ay may lumapit sa aming decorator.

"Kuya, wait lang do'n naman ako kukuha ng mga pictures para may remembrance ako."

"Sige lang. "

"Sir, saan niyo po gustong ilagay 'tong flowers?"

"Siguro do'n na lang sa table."

"Sige po. Siya nga pala kung may gusto pa po kayong ipadagdag na design sabihin niyo lang sa amin."

"Sige salamat."

Kung nagtataka kayo kung nasaan kami nasa condo lang pero 'yong mga taong nandito ngayon mga decorators sila na hinired ko para mag-ayos dito. Kanina pa sila kaya halos tapos na rin ang set up dito. Kung naaalala niyo dito ko pinapapunta si Farrah bukas kasi dito ako magtatapat sa kaniya officially. Sana nga magustuhan niya 'to at sana sagutin niya ako bukas.

Matapos kong bayaran 'yong mga decorators bumaba na rin kami ni Sarrah para maihatid ko naman siya sa kanila.

"Ingatan mong mabanggit sa ate Farrah mo ang tungkol sa surprise natin sa kaniya ha."

Nasa tapat na kami ng bahay nila ngayon pero pinigilan ko muna siya para kausapin.

"Oo naman, kuya Matthew. I'll zip my mouth."

"Thanks for helping me. Dapat present ka rin bukas, okay."

"Sure kuya. Tara na po sa loob."

"Sige."

Pagpasok namin sa loob naabutan namin na nagkakatawan sila. Pagtingin ko sa bisita si Josh pala. Ano'ng ginagawa niya dito? Tiningnan ko si Farrah na biglang nawala a ng ngiti nang makita ako. Tsk!

"Kuya Matthew."

"Hi, Aldice!"

Lumapit ito sa akin at nagpalambing. Lumapit muna ako kay Tita Belinda at nagmano. Pagtingin ko kay Farrah halatang hindi siya mapakali at inaasar pa ni Sarrah.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon