Chapter 46: Discharged

482 12 0
                                    

MATTHEW'S POV

"Ang alin nga sabi ang hindi ko matandaan?"

"Wala."

Tumayo na siya habang nangungunot pa rin ang noo ko. May pumasok na nurse kaya natigilan na kami'ng dalawa.

"Good morning! Kumusta pakiramdam mo, Farrah?"

"Okay lang po. Pwede na po ba ako'ng lumabas?"

"Si doc ang magsasabi sa'yo kung pwede na kasi may mga test pa kami'ng isinasagawa sa'yo, eh. Sa ngayon magpalakas ka lang para mas mapadali ka'ng makalabas dito. For now kailangan mo muna'ng kumain para makainom ka na ng gamot." Binaba niya 'yong tray sa mesa.

"Maiwan ko muna kayo huh babalik na lang ako maya-maya para sa gamot mo."

"Sige po."

"Sige." Umalis na ito.

"Kumain ka na."

Sinubukan ko'ng abutin 'yong tray pero hindi ko naabot kasi medyo nasa may gitna ako ng kama. Si Matthew na ang lumapit at nilagay sa may tapat ko ang pagkain.

"Ubusin mo lahat 'yan."

Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula ng kumain.

"Busog na ako." Sabi ko maya-maya.

"Nakakailang subo ka pa nga lang."

"Busog na nga ako."

Kinuha ni Matthew 'yong kutsara at sinubuan ako. Napatingin ako sa kaniya.

"Kumain ka kung gusto mong lumabas kaagad dito."

Wala na ako'ng nagawa kung hindi ang kainin ang mga sinusubo niya. Namalayan ko na lang na naubos ko na pala lahat. Dumating naman na ang nurse at sinabi sa akin kung ano ang mga kailangan kong inumin.

SOMEONE'S POV

{ "Napakainutil mo naman sayang lang ang perang binabayad ko sa 'yo. Si Farrah magaling na at ayon lalabas na ng hospital." }

"Nagkataon lang po ma'am pero bigyan niyo pa po ako ng isa pa'ng chance."

{ "Gawin mo na lang kaya bago ka magsalita, okay." }

"Yes, ma'am. 'Yong bayad po pala kasi kalahati pa lang po 'yong binigay niyo eh."

{ "SHUT UP! Gawin mo muna 'yong trabaho mo pwede? Don't call me again okay ako ang tatawag sa 'yo." }

"Binabaan na lang ako bigla. Sigurado may pwesto na ang babae'ng 'to sa impyerno."

FARRAH'S POV

"Lahat ng gamit ayos na ba diyan, Aldice? Baka may maiwan pa tayo, huh."

Ngayon na rin kasi ang labas ko ng hospital. Masyado na ako'ng naiinip dito mabuti na lang sinabihan ako ni Doc Malvar na pwede na akong lumabas.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon