Chapter 31: Boracay

583 15 0
                                    

Author's note: Honestly, I'm not really familiar sa lugar ng Boracay umasa lang ako sa Google so kung may familiar sa lugar at mapansin niyo na may mali ako na nailagay dito sorry na agad. Enjoy reading but please VOTE and LEAVE SOME COMMENTS. SPREAD THE STORY
😍😍😍
______________________________________

Umakyat na ako sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama at pumikit sandali. Ang dami ng nangyari simula noon. Seven years na ang nakalipas but still parang feeling ko ako pa rin 'yong second year college na si Farrah. May nag-pop up na message sa cellphone ko kaya napamulat na ako at kinaha ito sa bag. Galing kay Josh.

"I'm sorry babe medyo busy lang ako ngayon. I'll call you later, okay?"

Tinext back ko na lang siya na okay lang. Sobrang thankful din ako kay Josh dahil siya 'yong naging sandalan ko noon. Hindi siya nawala sa tabi ko kahit ilang beses ko siyang pinagtabuyan. Napakaswerte ko sa kaniya hanggang ngayon. Anyways, sana hindi siya busy bukas dahil aalis na kami papuntang Boracay. Tinabi ko na ang cellphone ko at tumayo. Magpa-pack na lang ako ng mga gamit. Actually, kunti lang naman ang dadalhin ko kasi medyo hassle pa ang may bitbitin. Kinahapunan mag-aalas nueve na ng dumating si Josh sa bahay. Tapos na kaming maghapunan kaya nasa sala kaming lahat. Napansin kong medyo iba ang awra niya ngayon.

Ano kaya'ng nangyari?

"Hi, kuya Josh!" si Sarrah

"Hi, po kuya Josh." si Aldice.

"Hello, sa inyo'ng dalawa."

Nagmano siya kay
nanay saka lumapit sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Babe." Naupo na rin siya sa tabi ko.

"What's wrong? May problema ba?"

"Yeah, sad to say I can't go with you in Boracay."

"Why?"

"Hindi ka po makakasama kuya Josh?" usisa ni Aldice na narinig pala ang sinabi ni Josh.

"Bakit po kuya?" si Sarrah.

"At this point meron lang kaming maliit na problema sa office. Pumalpak kasi 'yong kasamahan kong engineer sa ginawa naming project that's why they are not allowing me to leave hanggang hindi 'yon naaayos."

"Pero makakasunod ka naman, ijo?"

"Susubukan ko po tita gagawa na lang po ako ng paraan para makasunod bukas."

"Babe, okay ka lang ba? Sa office mo kumusta?"

"Babe, don't worry about me okay marami ko ng nahawakang case na ganito and I can handle it. I'll try to follow you there, huh."

"Sige."

Mabilis na lumipas ang oras at ngayon nga ay nasa Manila Airport na kami at hinihintay na lang si Dhesa. Nandito rin si Josh pero inihahatid niya lang kami. Mga ilang minuto pa at dumating na rin ang bruha.

"Hi, ate Dhesa," bati ng dalawa at nagyakapan pa sandali.

"Hi, kids! Hi, po tita Belinda!"

"Ate Dhesa, I'm not kid anymore." Reklamo ni Sarrah.

"Okay dalaga ka na nga pala. Hi, sir Josh!"

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon