Chapter 29: Moving on

604 18 0
                                    

FARRAH'S POV

7 YEARS LATER...

Tuluyan na ngang naglaho si Matthew sa buhay ko. Simula ng araw na 'yon wala na akong naging balita sa kaniya at kay Ms. Jade. Tinuon ko na lang noon sa pag-aaral ang atensiyon ko at sa pagtatrabaho para may extra income kami. Katuwang ko noon si nanay sa pagtatrabaho dahil isang taon lang ang lumipas ay nakalakad na siya. Si Sarrah naman ay third year college na ngayon at kumuha ng kursong nursing. Si Aldice na napakabibo pa rin ay ga-graduate na ngayon sa elementary. Palagi siya'ng nangunguna sa klase at ngayon nga ay ga-graduate siya na validectorian. Teka, about sa akin nga pala. Ha-ha-ha!

Anyways, isa pa LA ng ako'ng manager sa isang bigating kompanya dito sa Maynila. Three years na ako'ng regular employee dito at sumusweldo ng malaki kaya naman nakapagpagawa na ako ng bahay, nakabili ng lupa at sasakyan. Kung tinatanong niyo ang love life ko. Ehem! Ha-ha! Naka-move on na ako kay Matthew at hindi na ako umaasang babalik pa siya. Kaya naman ngayon...

"Babe, come on! Baka ma-late tayo sa graduation ni Aldice."

"Coming."

Minadali ko na ang pagbibihis at lumabas na rin sa kwarto. Nandito ako kasi nag-over night ako sa trabaho at ang bahay niya ang pinakamalapit kaya dito na ako natulog. Don't worry dahil hindi naman kami nagtatabi. Meron akong kwarto dito sa bahay niya.

"Okay lang ba 'tong suot ko, Josh? Babe, I think kailangan ko ulit magpalit."

Tumalikod na ako pero ginagap niya ang kamay ko kaya napaharap ako sa kaniya.

"You don't need to change your clothes again. You're beautiful in all outfit, okay?"

"Thank you."

"You're always welcome. So, shall we go?"

"Let's go. Wait, 'yong gift ko para kay Aldice?"

"Nasa kotse na."

Nagtuloy na kami sa school ni Aldice at nagsisimula na nga ang graduation.

"Hi, ate Farrah. Hi, kuya Josh."

"Hello, Sarrah."

"Hi, tita." Nag-bless si Josh kay nanay at gano'n din naman ako.

"Abot pa po ba kami 'nay?"

"Oo maupo na kayo diyan."

Tiningnan ko si Aldice na naka-upo sa una at nakatingin din pala sa amin. Nag-wave ito at ginantihan ko naman. After ng ilang mga seremonyas tinawag na ng emcee si Aldice para mag-deliver ng speech. Matapos ang mga pagbati at message niya sa mga classmates niya about naman sa amin 'yong last part. Medyo madrama din 'tong kapatid ko na 'to eh.

"Gusto ko rin po'ng magpasalamat sa mga mahahalagang taong naging dahilan ng tagumpay kong ito. Sa aking nanay Belinda na minahal ako ng sobra, inalagaan at pinatnubayan sa lahat ng mga pinagdaraan ko sa buhay. Sobra-sobra po ang pasasalamat ko dahil kayo po ang naging nanay namin." Napaiyak na si nanay kaya inalo ko siya at nginitian.

"Salamat din sa ate Sarrah ko na palaging nandiyan para tulungan ako sa pag-aaral ko kapag hindi ko mahagilap si ate Farrah dahil busy siya sa trabaho. Best ate po kita kahit nga minsan ang takaw takaw mo." Napatawa kami sa sinabi niya.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon