Chapter 26: Nightmare

648 15 3
                                    

Bago ako umakyat sa condo ni Matthew napahinto muna ako at nag-isip. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko para ako'ng biglang kinabahan.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Gano'n pa man sumakay na rin ako ng elevator at ngayon nga ay nasa may tapat na ako ng pinto niya. Naka-lock ito kaya kinuha ko ang duplicate ng susi sa bag ko. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nabungaran ko sa loob. Ang ganda ng ayos dito. Tama naman 'yong napasukan kong room ah.

"Hey." Napalingon ako sa nagsalita.

"Matthew?" He looks very different today. Napaka-gwapo niya ngayon sa suot niyang suit.

"For you."

Binigay niya sa akin 'yong hawak niyang bouquet of flowers na inabot ko naman. Ang bango-bango nito.

Hinawakan niya ang kamay ko at kinawit sa braso niya. Dinala niya ako sa may table na maayos na naka-set up at may mga naka-served na ring pagkain.

Pinaghila niya ako ng bangko. "Have a seat."

"Thank you." Naupo rin siya sa katapat ko pagkatapos.

"Ano'ng meron dito?"

"You will know later, Farrah. For sure gutom ka na let's eat."

Kumain na kami pero halos hindi ko ma-feel ang mga 'to dahil naguguluhan ako. Napaka-romantic kasi ng dating dito.

Napatigil ako sa pagkain ng may biglang tumunog na piano. Saan nanggagaling 'yon? Pero dito pa rin naman sa loob nagmumula hindi ko lang makita kung nasa'n. Tumayo si Matthew at nilapitan ako saka nilahad ang kaniyang kamay.

"Pwede ba kita'ng isayaw, Farrah?"

"Hindi pa ako tapos kuma-"

Kinuha niya ang kamay ko kaya napatayo na rin ako. Ngayon ay nakita ko na ang pinanggagalingan ng piano kasi nasa malapit na kami nito. Meron nga'ng piyanista dito. Nag-hired pa talaga siya. Nilagay niya 'yong mga kamay ko sa balikat niya at ang mga kamay niya sa bewang ko. Super nakakailang na talaga ngayon.

"Look at me, Farrah."

Tiningnan ko siya na nakatingin din sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Hindi ba I told you that this day will be the best day of our lives? Farrah, the day that you and your family came into my life I always felt happiness and I'm feeling complete each day when I'm with you."

"Matthew."

"Farrah, I love you! I would like to court you, Farrah. I really do love you."

"Matthew, I-I love--"

"STOP!"

Napatingin kami pareho ni Matthew sa sumigaw.

"Christel? What are you doing here?"

"Hindi ka niya pwede'ng agawin sa akin, Matthew. I'm your fiancé kaya sa akin ka lang. Engaged na tayo 'di ba? Magpapakasal na tayo Matthew."

"Nababaliw ka na, Christel. Don't ruin this day, please."

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka napapasa-akin, Matthew. It's better for the both of you to die now."

"Matthew."

Mas lalo akong kumapit kay Matthew ng maglabas si Christel ng baril mula sa bag nito.

"Ibaba mo 'yan please."

"No."

"Christel, huminahon ka, please," sabi ko na rin sa kaniya.

"Keep quiet you bitch! I will kill you. Matthew umalis ka diyan, I'll kill her."

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa sobrang takot. Tinago ako ni Matthew sa likod niya.

"Put your gun down. We're over now Christel why don't you understand that? Hindi na kita mahal at hindi kita kayang mahalin pa ulit."

"AAAHHHH! PAPATAYIN KO KAYONG PAREHO. Magsama kayo'ng dalawa sa impyerno.'' Nababaliw na siya.

"Matthew."

"Stop it, Christel."

Sinubukan ni Matthew na lumapit kay Christel kaya lang malakas na putok ng baril na lang ang narinig ko. Para ako'ng binuhusan ng malamig na tubig sandali akong hindi makagalaw. Pagtingin ko kay Matthew may nakita akong dugo sa may dibdib niya.

"Ma-Matthew, gumising ka. Hindi ka pwede'ng mamatay, please.MATTHEW!"

"MATTHEW!"

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Hingal na hingal ako dahil sa masamang panaginip ko.

"Matthew," usal ko sa pangalan niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya kaya lang out of coverage naman. Bigla ako'ng nag-alala sa kaniya baka kung ano'ng masama ang mangyari kay Matthew.

Mag-aala una pa lang pala ng madaling araw. Hindi pa rin ako nakaka-recover mula sa panaginip ko kaya tumayo ako at pumuntang kusina. Uminom ako ng malamig na tubig para naman mahimasmasan ako ng kaunti. Dala ko ang cellphone ko kaya sinubukan ko ulit na tawagan si Matthew kaya lang hindi niya talaga sinasagot. Nag-iwan na lang ako ng message. Bumalik na ako sa kwarto at sinubukan ko na lang ulit na matulog.

"Good morning, sunshine! Gising na."

Nagising ako sa maingay na si Sarrah at pinapalu-palo pa ang takip ng rice cooker. Nagtakip na lang ako ng tenga. Hindi ko alam kung ano'ng oras na ako nakatulog.

"Ate, it's time to wake up. May pasok ka pa, 'di ba? Gusto mo bang ma-late?"

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon rin.

"Sandali."

Hinila kasi ako ni Sarrah papuntang banyo.

"All you have to do is to take a bath. Ako na maghahanda ng susuotin mo, okay?" Sinaraduhan niya na ang pinto.

"Tatawagan ko muna si kuya Matthew."

"Bakit kaya hindi niya sinasagot?" Napailing na lang si Sarrah saka pumanhik sa kwarto ni Farrah.

_____________________________________________________

Lovelots💙 Please VOTE, FOLLOW my account and SPREAD the story. Thank you!

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon