Chapter 66: New Enemy

269 11 0
                                    

MATTHEW'S POV

Nang makapasok ako ng restaurant napansin ko kaagad na may babae'ng sumisigaw dahil nabuhusan yata siya ng drinks no'ng waitress. Dito ako dumiretso dahil tinawagan ako ni Ate Jade kanina no'ng pauwi na ako at magkita raw kami dito. Masyado namang maarte 'tong babaeng 'to. God! She slapped the waitress. I can't stand seeing her humiliate the girl kasi kanina pa naman ito kaka-sorry sa kaniya.

"Sorry po ma'am! Pasensya na po talaga hindi ko naman po sinasadya eh."

"I'll talk to your manager! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal 'tong damit ko ha? Mas mahal pa 'to sa buhay mo, okay. How dare you!"

"Stop it!" Awat ko sa kaniya no'ng sasampalin niya sana ulit ang waitress.

"And who the hell-"

Napahinto siya sa pagsasalita ng mapatingin siya sa akin. She looks like wondering and somehow afraid?

"Matthew?" Nangunot ang noo ko no'ng sabihin niya ang pangalan ko.

"Do I know you?"

Mas lalong nangunot ang noo niya. Pinagmasdan ko siya. Naalala ko 'yong mga pictures na pinakita sa akin ni ate Farrah bago kami umuwi ng Pilipinas. Siya nga 'to...ang ex-fiancè ko. I knew her. And I remembered what ate Jade told me about her.

"Christel?"

"Yeah! It's me your fiancè. I missed you, babe!" Niyakap niya ako. Hinila ko siya papalayo sa 'kin.

"Ex fiancè." Pagtatama ko.

"Anong ginagawa mo dito? I thought you're out of the country." Sinenyasan ko 'yong waitress na umalis na.

"No. I decided to live here for good. Mas masaya kasi dito eh at saka ayaw mo no'n makakasama mo na ako ulit."

"Sana hindi ka na lang bumalik dito."

Tinalikuran ko na siya pero may naalala akong sabihin kaya binalingan ko ulit si Christel.

"By the way, may girlfriend na nga pala ako kaya 'wag ka ng manggugulo."

Iniwan ko na siya do'n at pinuntahan si ate Jade. Nasa kabilang side kasi siya at hindi kita dito dahil may wall pa.

"Bakit gano'n lang ang reaction ni Matthew?" Sabi ni Christel sa sarili. Umalis na rin ito kaagad.

"Hi!" Bati ni ate Jade sa 'kin ng makalapit ako sa kaniya. Naupo ako pero nahalata niya yata ang pagka-bad mood ko.

"What happened?"

"My ex-fiancè." Walang buhay kong sagot.

"Ex-fiancè?" Sandaling nag-isip si ate Jade at maya-maya'y napamulagat.

"Si Christel Atienza?"

"Yeah! Narito rin siya sa restaurant na 'to."

"Really?" Napatayo siya.

"Where are you going?"

"I want to see her."

"Ate." Sinundan ko na lang siya.

"Where is she, Matt?"

Tiningnan ko 'yong table na occupied niya kanina pero wala na siya do'n.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon