Chapter 67: Remembering the past

287 12 0
                                    

FARRAH'S POV

"Nanay."

Napatingin at napalapit kami kay Aldice. Naupo si nanay sa tabi nito.

"Si Aldice ate gising na." Naupo si Sarrah sa may left side ni Aldice.

"Aldice, 'nak. Kumusta pakiramdam mo ha?"

"Medyo kumikirot lang po 'tong ulo ko. Ate Farrah." Tiningnan niya ako

"Mabuti na lang at hindi ka napasamà sa pagkakauntog mo. Bakit kasi ang tapang-tapang nitong bunso mo nanay eh."

"Syempre naman ate ipagtatanggol kita kahit ang liit ko." Natawa na lang kami sa kaniya.

"Pero sa susunod 'wag mo ng uulitin 'yon ha kasi delikado para sa 'yo wala ka namang laban kay Josh."

"Eh, ate hindi ko naman po hahayaan na pagmasdan ka lang na bastusin ni Kuya Josh. Ano na po pala ang nangyari sa kaniya? Nasa'n po siya?"

"Nasa police station na siya, Aldice."

"Ang samà po pala ni Kuya Josh, 'nay."

"Hayaan na lang muna natin 'yon. Ang gawin mo 'nak magpagaling ka na kaagad para makalabas na tayo dito at makapasok ka na bukas ha."

"Opo 'nay. Kuya Matthew, salamat po ha kasi kung hindi po kayo dumating kaagad baka kung ano na ang ginawa ni Kuya Josh kay ate."

"Wala lang 'yon Aldice. Palakas ka agad."

"Yes po kuya Matthew."

"Nanay alis na po muna ako ha." Maya-maya'y paalam ko kay nanay.

"Saan ka pupunta?"

"Pupunta po akong police station 'nay. Sasampahan ko po ng kaso si Josh."

"Ate, ipapakulong mo po si Kuya Josh?" Tanong ni Sarrah.

"Oo, Sarrah."

"Ate, pwede ba'ng hayaan na lang natin si Kuya Josh? Kahit papaano naman naging mabuti siya sa 'tin. Ate tingin ko nagawa lang naman niya 'yon sa'yo kasi sobrang mahal ka niya. Ang totoo niyan mabuting tao naman talaga siya eh."

"Sarrah."

"Medyo may punto naman 'tong kapatid mo 'nak. Pero syempre nasa 'yo pa rin ang desisyon kung sasampahan mo ng kaso si Josh o hindi."

"Ate, tingin ko tama po si ate Sarrah. 'Wag na lang po nating ipakulong si Kuya Josh kasi nakakaawa po siya." sang-ayon ni Aldice.

Napabuntong-hininga na lang ako sa kanila. Sabagay tama naman sila kasi hindi naman talag gano'n si Josh. He's kind and I think he did that because he really loves me.

"Sige kung 'yan ang tingin niyo hindi na ako magsasampa ng kaso. Kakausapin ko na lang siya ng maayos para hindi na siya ulit manggulo at maka-move on na tayo pare-pareho. Alam niyo naman malapit na ang debut nitong ating dalaga kaya dapat puro positive vibes lang tayo."

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon