Chapter 48: Being incomplete

517 14 0
                                    

FARRAH'S POV

"Additional po Ma'am Farrah meron sana kayong meeting mamayang 3 PM pero cancelled na po 'yon so wala na po kayong dapat ipag-alala pa. Ang dapat niyo na lang po'ng gawin ay magpagaling dahil nami-miss na po kayo ng mga tao sa office."

Mahabang litanya ni Dhesa na kanina pa ako dinadakdakan about sa office. Hindi ko na nabanggit na kahit sa hospital ay madalas niya ako'ng dalawin.

"Honestly, magaling na ako Dhesa at kahit tomorrow papasok na ako ng office."

"Ay, Ma'am Farrah, 'wag pilitin ang sarili baka sa halip na gumaling ay mas lalo ka'ng magkasakit."

"Ate Farrah, baba na po kayo kakain na po tayo." aya ni Aldice na pumasok na lang dahil nakabukas naman ang pinto.

"Tamang-tama pala ang punta ko dito hindi pa rin ako nagla-lunch, eh."

"Oh, siya tara na sa baba at mukhang gutom ka na."

Natawa na lang ako kay Dhesa. Pagkakuripot ba naman nito'ng babae'ng 'to. Nasa may hagdan pa lang kami ng maulinigan ko ang boses ni Matthew na nakikipaghuntahan kay na Aldice at Sarrah maging kay Nanay.

Ano'ng ginagawa na naman niya dito?

"Ma'am Farrah, si Sir Matt ba 'yong naririnig ko? What is he doing here? Umaakyat na po siya ng ligaw sa 'yo?" Sarap din naman batukan ng babae'ng 'to.

"Tumigil ka nga diyan hindi, okay?"

"Eh, di hindi na po."

Nagpatuloy na lang kami sa pagbaba hanggang sa dining room. Narito nga si Matthew na matamang nakatingin sa akin pero agad kong iniwasan. Ano na bang nangyayari sa lalaking 'to. Minsan sobrang sungit tapos magiging ganito.

"Hi, Farrah. How are you feeling?"

"Okay na. Anong ginagawa mo dito?"

"Ate, kami nag-invite kay kuya Matthew dito." singit ni Sarrah.

"Yes, ate, para naman makabawi tayo kay kuya Matthew sa naitulong niya kahit papaano." dagdag ni Aldice.

"Sabi ko nga na okay lang eh pero nakakahiya namang tanggihan ang alok ng mga kapatid mo."

"At talaga'ng magtatampo din ako sa 'yo, ijo, kung tinanggihan mo kami. Maupo ka na Farrah at ng makapagsimula na tayong kumain."

Pagtingin ko kay Dhesa naka-ayos na pala ng upo at ready ng kumain. Lakas talaga ng babaeng 'to 'di naman tumataba. Naupo na lang ako sa tabi ni Matthew tutal nasa tabi niya na naman ang vacant na upuan. Tapos ng maghain si nanay at naupo na rin.

"Ading, ikaw mag-lead ng prayer."

"Okay po, 'nay. Sa ngalan ng Ama ng Anak ng Espirito, Santo, Amen. Jesus, thank you po sa pagkaing nasa mesa namin ngayon. Thank you po dahil nakauwi na si ate Farrah dito sa bahay ng ligats. Thank you po kasi nakasama na namin ulit si Kuya Matthew. Magkakasama na po kami'ng lahat ulit. Amen."

"Amen. Oh siya kumain na tayo. Matthew, 'nak kain na 'wag ka'ng mahihiya para na rin kita'ng anak."

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon