Chapter 3: You don't like him, do you?

1.3K 36 0
                                    

FARRAH'S POV

Bago ako pumasok sa classroom muli kong sinulyapan ang relos sa braso ko. Ten minutes late na naman ako sa klase niya. Lagot na naman ako kay Sir Matthew nito. Eh kasi naman kaya ako na-late dahil pinagluto ko pa ang mga kapatid ko ng umagahan at pinaliguan si Aldice. Inasikaso ko pa rin ang aking nanay Belinda. Mabuti nga ngayon at binilisan ko na kaya 10 minutes lang akong na-late. As usual pagpasok ko ng pinto nabungaran ko kaagad si sir Matthew at maging ito ay nakatingin sa akin.

"Good morning, sir." Naiilang ko pang bati sa kaniya.

"You may take your seat, Ms. Sotto." Ginawa ko nga ang sinabi niya at naupo na lang. Mabuti na lang hindi ako pinagalitan nakakapanibago.

"Kanina pa ba nagsisimula ang klase?" Tanong ko kay Rhea na seatmate ko.

"Hindi pa kararating lang ni sir handsome halos sabay nga lang kayo eh." Napanganga ako sa sinabi niya.

"Seryoso? Kailan pa nasama sa bukabularyo ni sir ang pagiging late?" Ni minsan kasi ay hindi na-late 'yang si sir Matthew kaya nakakapagtaka talaga.

"Nagtataka nga rin kami eh." Napatingin na lang ako kay Sir Matthew dahil sa sinabi ni Rhea. Nakakapagtaka nga. Bigla akong napabaling sa ibang direksyon ng biglang tumingin si Sir Matthew sa may kinaroroonan ko. Nahuli niya ba ako? Nakakahiya.

"So class today we will study the life of Rizal. It's quite boring pero pagtuunan niyo pa rin ng pansin." Naglakad-lakad siya habang nagsasalita hanggang sa mapadpad na siya sa may pwesto ko. Ano pa bang gagawin ko kundi deadma lang.

"Please read the first page, Ms. Sotto." Ako talaga? Ano pa ba ulit ang gagawin ko kundi tumayo at kunin ang libro ni Rizal. Pagtayo ko naamoy ko agad ang scent ni sir Matthew. Grabe ang bango niya.

"Ehem! Ms. Farrah Sotto are you still with us?"

"Y-Yes sir." Inabot niya na sa akin ang libro at pagbukas ko ng unang pahina may nakita akong sticky notes.

"Focus, Farrah! I'm not your type, right?"  Yan ang eksaktong nakalagay sa note at dahil doon ay bigla akong napa-ubo. Anyare sa akin?

"Are you ok, Ms. Sotto?"

"Yes sir ok lang po ako." Kinalma ko ang sarili ko. Nakatingin na sa akin ang iba kong mga kaklase. Nakakainis si Sir Matthew paano na lang kung may makakita nito? Kaya naman kinuha ko ang notes at pasimpleng nilagay sa bulsa ng suot kong pants. Binasa ko na ang first page na tinutukoy niya at pagkatapos ay binigay na sa kaniya ang libro.


Umikot ang oras sa boring na buhay ni Rizal (peace). Honestly, bet ko naman ang literature kaya lang minsan nabo-bored din talaga ako kagaya ngayon. Isa pa antok na antok na rin talaga ako dahil napuyat ako kagabi. 24/7 kasing bukas ang food chain at hanggang alas dos ang part time ko doon. Kaya naman halos tatlong oras lang ang tulog ko.

"Miss. Hey, miss wake up." Naulinigan ko ang boses ng isang lalake kaya napadilat na ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa Rizal story na 'yan. Pinagmasdan ko ang mga nasa silid at hindi ko na pala 'to mga kaklase. Nasaan na sila? Iniwan nila ako?

"Miss mukhang iniwan ka na ng mga kasama mo." Ang lalaking gumising pa rin sa akin ang nagsalita. Seat niya siguro 'tong inuupuan ko.

"Sorry." Inayos ko na ang mga gamit ko saka umalis.

"Miss wait." Narinig ko pang tawag niya sa akin pero hindi ko na lang siya nilingon. May isang subject pa ako ngayong umaga at after noon ay sa cafe naman ang tuloy ko. Nagpa-part time din ako doon pero kakasimula ko lang n'ong nakaraang linggo. Medyo magaan lang naman ang trabaho sa cafe kaya kayang-kaya ng powers ko.

Nang mapadaan ako sa may labas ng faculty ay naulinigan ko ang boses ni sir Matthew at para siyang may pinapagalitan. Umandar na naman yata ang pagka-terror niya. Hindi ko na sana papansinin kaya lang hindi sinunod nang paa ko ang utak ko kaya hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses.

"Kapag inulit mo pa 'tong ginawa mo hindi ako magdadalawang isip na ipatawag ang parents mo, ok."

"Sir, ang babaeng 'yon naman po kasi talaga ang may kasalanan eh." Depensa ng babaeng kausap niya.

"Ms. Hazel Villar, don't try to cover your mistakes. I'll talk to you next time." Napatago ako ng biglang dumaan ang babaeng kausap niya.

"Lumabas ka na diyan." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni sir Matthew. Ako ba ang tinutukoy niya?

"Ms. Sotto." Sabi ko nga na ako.

"P-Paano niyo po nalaman na narito ako?"

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Ha? Ah... wala po napadaan lang po ako dito. Aalis na nga po ako eh." Tinalikuran ko na siya kaya lang napahinto ako ulit sa pagtawag niya sa akin.

"Sir?"

"Give me your phone."

"Bakit sir?" Hindi niya ako sinagot kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bag at binigay sa kaniya. Nakikitawag ba siya? Napatingin ako sa cellphone niyang nag-ring.

"I'll call you later." Binigay niya na sa akin ang phone at umalis na. Nabingi ako doon ah. Tatawagan niya raw ako mamaya? Why?

"Oh my Gosh late na ako sa next subject." Napatakbo na ako agad.



_____________________________________________________

Ayan na-late tuloy😂 Farrah kasi eh nag- eavesdrop pa😂

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon