Chapter 64: Partner

277 13 0
                                    


FARRAH'S POV

Napatingin ako kay Matthew nang marinig ko 'yong sinabi niya.

"Uuwi kapag tapos na sa trabaho?" Sabi ko sa isip ko.

Ano'ng ibig niyang sabihin do'n? Medyo malalim ang dating nito sa 'kin kaya hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot. Isa ba ako sa mga trabaho lang niya? Tapos na ba ang lahat kapag ba nahuli na 'yong taong gustong pumatay sa 'kin? Pinalis ko na lang ang isiping 'yon. Kung anu-ano na naman ang naaiisip ko. I'm just over reacting.

"Hey!" Napatingin ako kay Matthew. Nakayapos lang naman si Jaiah sa kaniya.

"Huh?"

"Are you okay?"

"Oo naman." Nginitian ko siya ng bahagya.

"Ate Jade, pwede ba na lumabas na ako? I'm fine now."

"Matt, sundin na lang natin 'yong payo ni Doc. Bukas ng umaga naman makakalabas ka na rin agad eh."

"Nag-collapsed lang naman ako kasi-"

"Matthew, tama naman si ate Jade. Bukas makakalabas ka na kaya maghintay na lang tayo." Tiningnan ako ni Matthew.

"Okay."

"Anong oras ba ang uwi niyo ate Jade?" Tanong niya sa kapatid.

"Babantayan kita dito tapos itong si Jaiah pinapasundo ko kay Aling Ester."

"No, mommy! Let me stay here, please."

"No, sweetheart hindi ka pwede dito."

"Ate Jade ako na lang ang magpapaiwan dito. Bukas na lang din po ako uuwi kasabay si Matthew." Nahihiya ko pa'ng suhestyon.

"Oo nga ate." Sandali siyang nag-isip.

"Okay sige. Mamayang mga 4 na lang kami uuwi ni Jaiah."


SARRAH'S POV

"Wow! Tita ang sarap po ng kaldereta niyo. Para po talaga kayong si nanay kung magluto." Papuri ko sa niluto niya matapos ko'ng tikman ito.

Pero masarap talaga siyang magluto. Narito kami sa kusina ni tita at tinulungan ko siya sa pagluluto pero honestly kunti lang naman talaga ang naitulong ko.

"Syempre naman ako yata ang nagluto."

"Nagluluto po pala kayo ng mga ganitong putahe akala ko po kasi mga sosyal na dish ang gusto niyo."

"May kasabihan tayo, Don't judge the book by it's cover. Mahilig din naman ako sa mga gano'ng recipes pero mas bet ko 'to eh. Napatawa pa siya.

"Nga pala natawagan mo na ba ang nanay mo? Baka hanapin ka no'n."

"Natawagan ko na po siya tita." Binuhat niya 'yong tray na may lamang pagkain at dadalhin sa mesa.

"Ako na po maglalagay niyan sa mesa tita."

"Ako na ang bahala dito, ija. Kung okay lang sa 'yo pakitawag mo na lang si King para makakain na tayo."

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon