Chapter 6: Dinner with Sir Matthew

1K 25 0
                                    

Dahil may kotse naman pala si sir Matthew kaya do'n na ako nakasakay. May sarili rin pala siyang kotse. Nakaalis na kami sa may food chain at ngayon ay pinaandar niya na ang sasakyan. Honestly, kanina ko pa talaga gustong malaman kung saan ba talaga kami pupunta kaya lang bigla na akong nahiya. Nakakailang dito God para akong pinagpapawisan ng malamig kahit naka-air con naman 'tong sasakyan niya.

"S-Sir, ahm... pwede ko po bang malaman kung... kung okay lang po ba kayo?" Kung saan po tayo pupunta, sir?

"Yes, I'm fine. Bakit mo naitanong?"

"Ah wala naman po." Biglang nag-ring 'yong phone ko. Bago ko kunin tiningnan ko muna si sir Matthew na sandali rin pala akong tiningnan saka binalik ang atensiyon sa pagmamaneho. Hindi naka-register ang tumatawag pero gano'n pa man ay sinagot ko na rin. Sandali akong tumalikod kay sir Matthew.

"Hello?"

{ "Hi, Farrah! Ako 'to si Josh Gaven Gallivar." }

"Josh? Paano mo nalaman 'tong number ko?"

{ "Sorry, marami kong connection eh. Ha-ha-ha! Kumusta, nandiyan ka pa ba sa food chain? What time ba ang out mo?" }

"Nakaalis na ako eh. Bakit ka nga pala napatawag may kailangan ka ba?" Napatingin ako kay Sir Matthew ng marinig ko siyang tumighim.

"Sige ba-bye na Josh huh."

{ "Farrah, wait may--" } Pinutol ko na ang tawag at inilagay na ang phone sa bag.

"Who's that guy?"

"Ah si Josh po sir Matthew 'yong--"

" 'Yong lalaking nagtanong sa'yo kung may boyfriend ka." Putol niya sa sasabihin ko. Tinanguan ko na lang ang sinabi niya.

"Close kayo?"

"Hindi po." Agad-agad kong sagot.

"Hindi kayo close pero alam niya ang number mo."

"Sir Matthew hindi po talaga kami close no'n."

"Hindi kayo close pero nanuod ka ng basketball game niya." Napatingin ako sa kaniya.

"Paano niyo po nalaman 'yan?" Wala na akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Paano niya kaya nalaman?

Isang condo unit ang dinatnan ko matapos ang ilang minutong byahe. Kami lang dalawa ni sir Matthew and narito kaya naman naiilang talaga ako lalo pa nga at teacher ko siya. Paano na lang kung may makakita sa amin dito baka kasi kung ano pa ang isipin nila.

"Sa inyo po ba 'to sir Matthew?" Gusto ko sanang itanong kung anong ginagawa namin dito kaso baka ma-miss interpret naman niya ako.

"Yeah. Gift sa akin ng uncle ko nang mag 21 ako."

"Ang swerte niyo naman po. Ikaw lang po ba ang nakatira dito?"

"Oo. Sandali lang magpapalit lang ako." Iniwan na ako ni sir Matthew at nagpunta yata sa kwarto niya. Ang ganda naman nito grabe. Ang yaman niya pala kaya lang mag-isa naman siya dito. Naglibot-libot ako sandali at pinagmasdan ang condo unit niya. Maya-maya'y nasapo ko ang aking tiyan ng biglang kumulo. Hindi pa nga pala ako kumakain.

"Hindi ka pa kumakain?" Tiningnan ko si Sir Matthew na nakalabas na pala. Nakita niya yata akong nakahawak sa tiyan.

"Opo eh."

"Pareho tayong hindi pa kumakain. Let's go to the kitchen."

"Wow, perfect na po talaga kayo sir. Magaling din po kayong magluto?"

"Yes, baka ma-inlove ka sa akin 'wag mo akong masyadong hangaan." Napasimangot ako sa sinabi niya. Assuming. Malaki rin ang kitchen area niya dito at kompleto pa sa gamit. Lalake ba talaga siya?

''Ano po'ng lulutuin niyo, sir?" Tanong ko sa kaniya. Nagtitingin siya sa ref habang ako ay naupo lang dito sa bangko sa may table.

"Tutal may pork pa naman ako dito I'll cook pork teriyaki and pork steak kaya lang medyo matatagalan 'to. Mabuti pa doon ka muna sa sala."

"Panonooran ko na lang po kayo sandali." Nagsimula na siyang magluto at ang galing niya nga. Lalo akong nagutom ang sarap ng niluluto niya. Mga ilang minuto pa nagpaalam ako sa kaniya sandali at nagpuntang sala. Bigla akong inantok.

_____________________________________________________

Don't forget to VOTE and i-FOLLOW niyo na rin ako, guys. Thanks a lot!💙💙💙

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon