Chapter 53: Unidentified Girlfriend + Aggressive Killer

459 14 0
                                    


MATTHEW'S POV

Naitapon ko na lang 'yong cellphone ko. Kanina ko pa tinatawagan si Farrah pero hindi niya sinasagot. Mag-i-eleven na pero hindi pa rin siya umuuwi. Hindi ako worried okay. Konsensiya ko pa kasi kung may mangyaring masama sa kaniya dahil ako lang ang nakakaaalam na may gustong pumatay sa kaniya. Tsk! Nasaan na ba ang babae'ng 'yon? Pagbukas ko ng pinto nabungaran ko kaagad si Tita Belinda na sinadya yata talaga ako dito.

"Tita."

" 'Nak, Matthew, mabuti pala at gising ka pa."

"Bakit po, tita?"

"Makikisuyo sana ako sa'yo 'nak eh kung okay lang sana?"

"Ano po 'yon, tita Belinda?"

"Kasi si Farrah hindi pa dumarating anong oras na. Kanina ko pa tinatawagan hindi naman sinasagot ang tawag ko. Matthew, pwede ba'ng sunduin mo si Farrah? Okay lang ba sa'yo, 'nak?"

"Opo naman,  tita."

Umalis na rin ako agad matapos niyang sabihin kung nasaan si Farrah. Ito na nga ang naabutan ko. Nainis ako bigla ng makita ko'ng may nakaakbay kay Farrah. Lumapit ako sa kanila.

"Binabastos ka na niya eh."

Naiinis kong sabi sa kaniya. Makaakbay naman kasi 'tong lalaki'ng ito ang sarap putulin ng braso. Ito namang si Farrah walang pakialam.

"Ano?"

Nangunot pa ang noo ni Farrah at parang sa akin pa yata galit. Babae'ng 'to talaga. Kinuha ko 'yong bag ni Farrah at hinila na siya palabas ng resto-bar. Ang dami niya pang reklamo pero hindi ko na lang pinansin. Binitawan ko lang siya no'ng tuluyan na kaming nakalayo. Hinila niya 'yong kamay niya na hawak ko.

"Bakit ba bigla ka na lang nanghihila? Nakakahiya sa kanila tapos si Rodwin-"

"Binabastos ka na kasi ng lalaki'ng 'yon." Naiinis kong sabi.

"Hindi niya ako binabastos lasing lang 'yon."

"Lasing kaya hinahayaan mo lang na akbayan ka? Pinagtatanggol mo pa talaga ang lalaki'ng 'yon eh."

"Hindi ko siya pinagtatanggol mali lang kasi 'yang iniisip mo."

Tinalikuran niya ako pero tumayo ako sa harapan niya. Hindi pa ako tapos magsalita eh.

"Farrah."

"Ano ba kasi'ng problema mo do'n?"

"Concern lang ako sa'yo, okay?" Medyo natigilan naman siya sa sinabi ko.

"Umuwi na tayo."

Sinubukan niya'ng maglakad pero muntik na siya'ng ma-out of balance mabuti na lang nahawakan ko kaagad siya sa may bewang at nailapit ko pa sa akin. Naamoy ko 'yong alak sa hininga niya. Hindi raw umiinom. Nakatingin lang ako sa kaniya at gayon din si Farrah. Maya-maya napangisi ako ng bigla siyang sinukin. Binitawan ko na siya kasi halatang ilang na ilang na at nagba-blush pa.

"Uminom ka na naman baka masanay ka na."

"Pinilit lang nila ako."

"Nagpapilit ka naman."

"Ano naman-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon